9 na Nakakamanghang Gamit ng Suka o Vinegar na Dapat Mong Subukan

Kapag sinabing suka o vinegar, ang unang pumapasok sa ating isipan ay pang-sawsawan. Ngunit bukod pa pala sa gamit nito sa pagkain ay pwede pang pakinabangan ito sa ibang bagay. Mamamangha kayo dahil maaari mo itong gamitin mula panlinis sa inyong bahay hanggang pampaganda.

Napakaraming pa palang ino-offer na benepisyo ang suka na iilan pa lamang ang nakakaalam. Kaya narito’t tunghayan pa ang mga kapaki-pakinabang na gamit ng suka upang hindi na kayo mapagastos sa mga mamahaling produkto.

1. Pantanggal ng mga ligaw na damo

Ang sukang puti ay isang epektibong pantanggal ng ligaw na damo. Kailangan mo lamang ilipat ito sa isang boteng may pang-ispray at saka ii-spray sa mga ligaw na damo upang ito ay matanggal at hindi na muli tumubo.

2. Pamuksa sa mga langgam

Problema talaga ang mga langgam sa bahay. Ngunit imbes na gumamit ng insect!side na nakakasama rin sa ating kalusugan upang mapuksa ang mga ito, mas mainam kung mag-ispray na lamang ng puting suka. Ayaw ng mga langgam ang amoy ng suka kaya kung nais silang itaboy ay ito ang iyong gawin.

(Courtesy: www.google.com)

3. Panlinis sa inyong banyo

Sa katagalan, ang mga toilet sinks, counters, at cabinets ay nag-iiwan ng soap scum na mahirap tanggalin. Ang suka ay may whitening at antibacterial properties na tiyak na makakatulong sa inyong paglilinis ng banyo. Gumamit ng pang-spray kapag gagamitin itong panlinis. Maaari mo rin itong iispray sa glass windows.

4. Pantaggal ng mantsa sa mga carpet at rug

Tiyak na napakahirap tanggalin ang mantsa lalo na kapag ito ay nasa carpet. Upang hindi labhan ng buo ang carpet, maaari mong matanggal ito sa paggamit ng suka at detergent. Magpahid muna ng apple cider vinegar sa mantsa saka lagyan ng kaunting detergent. Patuloy na punas-punasan ito hanggang matanggal ang mantsa.

5. Pantanggal ng mantsa sa damit

Mayroon ba kayong paboritong damit na hindi niyo na nasusuot dahil nagkaroon ng mantsa? Maaari mong matanggal ang mantsa gamit ang suka upang ito ay muli mong magamit. Magpatak ng suka sa parteng may mantsa at iwanan sa loob ng 10-15 minuto o depende sa uri ng mantsa. Pagkatapos ay banlawan ang damit.

(Courtesy: www.google.com)

6. Pantanggal ng tiyawat

Ang suka tulad ng apple cider vinegar ay nakakatulong malabanan ang mga impeksy0n na nagdudulot ng acne at tigyawat. Gamit ang bulak, lagyan ito ng kaunting apple cider vinegar, ipahid ito sa iyong mga tigyawat. Mag-ingat na lamang kung may iritasyong naganap.

7. Pantanggal ng balakubak

Kung ang mga anti-dandruff products ay walang epekto sa iyong mga balakubak. Subukan muna ang natural na remedyong ito. Maghalo ng equal amount ng kalahating tasa ng tubig at suka sa isang spray bottle. Ispray ito sa iyong anit at ulo. Iwrap ang buhok at iwanan sa loob ng ilang minuto bago banlawan.

8. Pantanggal ng kagat ng lamok

Napag-alamanan na ang suka ay may anti-septic, anti-itching, at antibacterial properties na makakatulong sa kagat ng lamok. Ang lahat ng ito ay makakatulong magpawala ng kati at pamamaga. Mag-apply lamang ng suka sa parteng may kagat at iwanan sa balat hanggang matanggal ang kati.

9. Panghugas ng prutas at gulay

Gumawa ng solution na 3 parts water at 1 part vinegar upang matanggal ang mga bakterya sa mga prutas at gulay. Maaari mo nang gawin itong panghugas sa iyong mga prutas at gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *