Agriculture Student, Matagumpay Na Nakapagpatubo Ng Puno Ng Mansanas Sa Kanilang Bakur

Sa pag-aakala natin, ang mga puno ng mansanas ay tumutubo lamang sa mga lugar na may malalamig na temperatura. Kung mayroon mang tutubo dito sa ating bansa ay napakabihira lang dahil sa uri ng ating klima.

Ngunit napatunayan ng isang agriculture student na ito na maaari rin palang makapagpatubo ng mansanas dito sa Pilipinas!



Ibinahagi ni Benzone Kennedy Franes Sepe ang puno ng mansanas na napatubo nito sa kanilang bakuran. Nagsimula ito noong taong 2014 nang napagdesisyunan niyang itanim ang mga buto ng mansanas na kanyang kinakain.

Nang itinanim niya ang mga ito ay isa lamang ang nabuhay ngunit hindi rin ito namunga. Kaya naman sinubukan niyang mag-research kung paano ba magpatubo ng puno ng mansanas sa mga lugar na katulad dito sa ating bansa.

Photo Credits: Benzone Kennedy Franes Sepe/ Facebook

Bahagi niya na nakahanap siya ng tamang paraan sa pamamagitan ng internet para mapatubo ang mansanas. Kailangan pala na ang tangkay nito ay bahagyang naka-bend para naarawan.

Pagsapit ng January 2018 ay masaya niyang ibinahagi ang matagumpay niyang pagpapatubo ng kanyang itinanim na punong mansanas sa kanilang bakuran. Makalipas lamang ang ilang buwan ay nagsimula ng mamunga ang puno.



Makikita ang mga sinlaki ng kamao na bunga sa kanyang apple tree. Nagsisimula na ring mahinog ang mga ilan sa mga bunga.

Caption niya sa kanyang post, “There is no barren land, only barren mind.”

Photo Credits: Benzone Kennedy Franes Sepe/ Facebook

Ayon sa kanya, wala naman siyang nakikitang pagkakaiba ng kanyang naitanim na mansanas sa mga nabibili sa palengke dahil kaparehas lamang nito ang pagiging crunchy at juicy.

Ipinagpatuloy ni Benzone ang pagtatanim pa ng mga punong mansanas hanggang sa naparami niya ang kanyang mga tanim na puno. Naging sikat ring pasyalan ang orchard na kanyang pinaghirapan sa Kapatagan sa Mindanao.

Photo Credits: Benzone Kennedy Franes Sepe/ Facebook

Maraming mga netizens ang namangha sa mga mansanas na napatubo ni Benzone. Di sukat akalain ng iba na pwede rin pala tayong makapagpatubo ng mga puno ng mansanas dito sa ating bansa. Wala nga talagang imposible kung pagsisikapan lang nating tuklasin ang isang bagay.

Sana ay mas maparami pa ang mga puno ng mansanas dito sa Pilipinas!



 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *