Alagang Aso At Pusa, Isinama Ng Kanilang Amo Sa Paglilipat Ng Bahay

Kapag tayo ay umaalis ng bahay, kadalasan ay iniiwan lang natin ang ating mga alagang hayop para magbantay. Ngunit sa tingin niyo, ano kaya ang nararamdaman ng ating mga alaga sa tuwing iniiwan natin sila? Kaya naman kapag tayo ay umuwi na makikita ang kanilang galak sa pagsalubong sa kanilang amo.

Ngunit may karanasan na ba kayo na kung saan kayo ay lilipat na ng tirahan? Bukod sa mga gamit ninyo na kasama niyong ililipat, isinama niyo rin ba ang inyong mga alaga? Iniwan o pinamigay niyo na lang sila?

 

Sa isang Facebook post ng netizen na si Nits Javier ay makikita ang isang jeep na lulan ang mga gamit sa bahay na tila ay lilipat ito sa ibang tirahan. Ngunit ang mas nakakamangha pa rito ay maging ang kanilang mga alagang aso at pusa ay kasama ding binitbit. Ang orihinal na larawan ay ibinahagi ng netizen na si Angela Maria Alzate na kuha ng kanyang kapatid.

Caption ni Javier sa kanyang post,

“Naglipat bahay… walang iwanan, sama lahat.”

Kaya naman ang mga netizens ay kinagiliwan ang nasabing larawan.

Photo Credits: Angela Maria Alzate/ Facebook

Makikita na kahit nakasabit lamang sa jeep ang mga hayop ay tiniyak naman ng may-ari nito na hindi mahuhulog ang kanyang mga alaga. Ang kanyang mga alagang pusa ay nakalagay sa mga kulungan samantalang ang kanyang mga alagang aso ay parang nakaduyan sa mga sako.

Mapapansin na tila ang mukha ng isang aso ay masaya dahil kasama sila sa lugar kung saan pupunta ang kanilang amo. At mabuti na lamang ay inisip pa rin ang kapakanan ng mga hayop at hindi sila iniwan o di kaya ay ipinamigay sa ibang tao.

 

May mga netizens naman na naka-relate sa nasabing post dahil kahit raw sila ay kasama nila ang kanilang mga alaga sa tuwing sila ay aalis o di kaya ay maglilipat ng tirahan. Samantala, mayroon ding mga nangamba sa kalagayan ng mga hayop at hiniling na sana ay nakarating na lamang daw na safe ang mga hayop sa kanilang paroroonan.

Kung ikaw, gagawin mo rin ba ito sa iyong mga alaga? Isasama mo rin ba sila?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *