Amo, Nagulat Ng May Bitbit Na Isang Libong Piso Ang Kanyang Alagang Pusa

Para sa mga taong mahilig sa mga hayop o mga pet lovers, labis talagang nakakatulong makapagtanggal ng pagod at stress ang kanilang mga alaga. Lalo na’t kung ang kanilang mga alagang hayop ay malalambing tulad ng mga aso at pusa.

Katulad na lamang ng isang cat mom na ito na nagbahagi ng isang post sa Facebook page na CATS & KITTENS Philippines na kung saan ang kanyang alagang pusa ay may bitbit-bitbit na isang libong piso.


Ayon sa pahayag ng netizen na si April Jean, nagulat na lamang siya isang umaga ng may bitbit ang kanyang pusa sa bibig nito at ibinigay ito sa kanya.

Photo Credits: April Jean/ Facebook

“This morning I was so surprised when I saw my cat carrying something in his mouth and then he gave me this. Nasabi ko agad, Hooyyyy kenzie san mo ninakaw to.”

Hindi alam ni April Jean kung saan galing ng kanyang alaga ang inuwi nitong pera kaya ipinagtanong naman niya sa kanilang mga kapitbahay kung mayroong ba sa kanila ang nawawalan ng pera. Ngunit wala naman daw ni isa ang nawawalan kaya minarapat na lang muna niya itong itago.

Ang nakakatuwa pa ay buong-buo pa ang perang inuwi ng pusa at hindi man lang ito nagkapunit-punit.


Laking tuwa naman ng mga netizens sa pusang si Kenzie kaya napapa-sana all na lang ang kanilang mga komento. Sana raw ay maging pati ang kanilang mga alaga ay mag-uwi rin ng pera hindi kung ano-anong basura o kalat ang kanilang inuuwi.

Pabirong komento ng isang netizen na buti pa raw ang pusa ni April Jean marunong daw maghanap buhay. Wika ng isa, “Masipag na pusa, naka hagilap ng pang kain niya. Ibili mo siya ng masarap na ulam. Hahaha.”

Photo Credits: April Jean/ Facebook

Kung kanino man ang naiuwing pera ng pusang si Kenzie ay tiyak naman na hindi niya ito sinasadya. Malamang ay nakita niya itong pakalat-kalat kung kaya’t napagkamalan niya itong laruan at iniuwi sa kanyang bahay.

Kayo, may karanasan na ba kayong tulad nito sa inyong mga alagang hayop? Mahilig rin bang mag-uwi ng kung ano-anong bagay ang inyong mga fur babies?



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *