Anim na Rason Kung Bakit Benepisyal sa Kalusugan ang Paggamit ng SAUNA

Alam mo ba ang iba’t ibang maaari mong makuhang positibong epekto ng pagpunta sa mga sauna? Kilalang kilala ang sauna sa iba’t ibang lugar sapagkat ito ay may hatid na napakalaking tulong para sa iyo lalo na’t kung ikaw ay nagpapapayat. Ang pagsa-sauna ay mayroong init na nakapaglalabas ng dalawang basong tubig o pawis mula sa iyong katawan at nakakapagpalabas ng toxins sa ating katawan.

(Image Courtesy: www.google.com)

Ano nga ba ang magandang epekto ng sauna sa ating katawan?

1. Nakakatulong para sa ating utak

Ito ang ang pinakaunang maaring maging epekto ng pagsa-sauna saiyo sapagkat tinutulungan ka nito upang maging maganda ang pagsirkula ng iyong dugo at ang pagkakaroon ng maayos na daloy ng dugo sa ating sistema papunta sa ating utak.

(Image Courtesy: www.google.com)

2. Nakakatulong sa ating respiratory system at lungs

Ang pagpapapawis ay makabubuti para sa baga. Kailangan mo ito kung mahina ang iyong baga dahil nakakatulong ito sa paglabas ng pawis na siyang magreresulta ng magandang daloy ng ating dugo at magandang pasok ng oxygen na siyang magbibigay sigla sa ating katawan.

3. Pinapababa ang Blood Pressure

Ang pag-sauna ng kalahating minuto ay nakatutulong upang bumaba ang iyong blood pressure dahil inilalabas nito ang mga excess salt sa ating katawan na siyang magreresulta ng pagbaba ng ating blood pressure. Mabuti ang pag sauna lalo na sa mga madalas tumaas ang presyon sa dugo at mga taong malaki ang timbang.

(Image Courtesy: www.google.com)

4. Nakaiiwas sa mga sak!t o impeksyon

Ang pagpapapawis ay pinagtitibay din nito ang ating immune system, dahil dito mas maganda ang daloy ng oxygen sa ating katawan at nakukuha ng ating mga selula ang mga bitamina na kailangan upang puksain ang mga virus at bacteria. Sa init na inilalabas ng sauna, mas lalabas ang mga toxins sa katawan dahil tayo ay pagpapawisan ng husto.

5. Pinarerelax

Dahil ang pagpapapawis ay naglalabas ng kemikal na tinatawag na endorphin, pinarerelax nito ang ating utak kung saan nagugulot sa magaan na pakiramdan at binabawasan ang ating stress.

6. Tumutulong sa pagpapapayat

Ito ang isa sa mga paraan upang mabawasan ang calories sa katawan. Ayon sa pag aaral, tumutulong ang pagpapapawis sa pagbabawas ng excess salt sa ating katawan. Kaya kung ikaw madalas na mag-sauna, mas pagpapawisan ka ng husto sa paraang ito dahil sa napakainit na temperatura sa loob na siyang makakapagtanggal ng mga bad calories at toxins sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *