Anim na Tips Para Matanggal ang Nakaka Turn Off na Mabahong Paa

Karaniwan sa isang tao ang magkaroon ng mabahong paa lalo na kung nakasuot ito ng kulob na sapatos at walang medyas. Ang pagpapawis ng paa ay siyang problema kaya kumakapit ang bakterya sa paa na kung saan ito ang nagsasanhi ng masangsang na amoy nito.

(Image Courtesy: www.google.com)

Madalas, nahihiya tayong tumabi sa ibang tao dahil nga maaamoy nila ang ating paa at baka kung ano ano nalang ang isipin nila kaya naman narito ang ilang tips upang maibsan ang mabahong amoy nito.

TIPS PARA MATANGGAL ANG MABAHONG AMOY NG PAA:

  1. Sabunin at hugasan

Hindi naman kailangan pa ng mga mamahaling gamit o ipinapahid para lamang maalis ang baho ng paa, dahil kailangan lang ay hugasan ito ng sabon araw araw para maalis ang dumi at pawis na nagiging dahilan ng amoy nito. Tuwing naliligo o bago matulog dahil minsan mukha na lamang ang ating naiisip na alagaan, nakakaligtaan na minsan ang paa o saglit lang itong napapansin.

(Image Courtesy: www.google.com)

2. Exfoliate

Hindi lang ang talampakan o ang itaas na bahagi ng paa ang dapat hugasan dahil pati ang gitna ng mga ito at ang ilalim na kuko ay kailangan rin para maalis ang mga nakasiksik na dumi rito. Mas mainam na kung mahaba ang iyong kuko sa paa ay dapat ng bawasan ito para hindi na sumisilid pa ang ilang dumi rito. Sa pamamagitan rin ng pag-eexfoliate, maaari ng makaalis ng ilang patay na balat sa paa na isa ring sanhi ng pangangamoy. Gumamit lang ng scrub o panghilod upang matanggal ang dumi sa paa.

(Image Courtesy: www.google.com)

3. Gumamit ng Moisturizer

Ang paggamit ng moisturizer ay nakakatulong para mapalambot at mabigyan ng magandang amoy ang paa tulad na lamang ng peppermint o lavender. Ang pinakamabisang gamot sa paa ay ang pagpapanatiling tuyo rito dahil ang pawis at basang paa ang dahilan kung bakit mas napapakapit pa sa paa ang mga bakterya kaya naman sa ganitong paraan ay napupuksa natin ang mikrobyo.

4. Apple Cider Vinegar

Ibabad sa isang tasang tubig na may isang cup ng Apple Cider Vinegar ang paa sa loob ng 20 minutes para matanggal ang mga bakterya na siyang nagsasanhi ng amoy.

(Image Courtesy: www.google.com)

5. Magsuot ng Medyas

Magsuot ng Cotton na medyas upang makahiwa ang paa at ma-absorb ng medyas ang pawis ng iyong paa.

6. Ugaliing linisin ang sapatos

Linisin ang sapatos kada linggo. Ang paglinis ng sapatos ay isa ring importanteng kailangan upang mawala ang amoy ng paa. Sabunin ito at ipatuyo sa araw at lagyan ng tea bags ang loob nito upang mawala ang masangsang na amoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *