Apat na Senyales Upang Malaman Kung Mayroong Buto na Nabali sa Iyong Katawan

Hindi na kailangan pang gumastos ng malaki para lang magpa x-ray kung meron namang mga paraan para malaman kung meron ka ngang baling buto bago ka mag-isip ng kung ano ano at bago magpunta sa doktor.

(Image Courtesy: www.google.com)

Ibabahagi namin saiyo kung ano ang mga ilang senyales na nangangahulugang mayroon kang bali sa iyong buto at dapat mo na itong ipatingin sa doktor.

1. Deformity

(Image Courtesy: www.google.com)

Isa sa pinakahalatang senyales upang malaman na meron ngang bali ang iyong kamay at paa ay kung nabebend ito sa lugar na hindi mo kayang ibend dati. Maaaring ang buto na ito ay na-deformed lalo na kung ito ay tumama sa isang matigas na bahay o kung masyado itong napwersa. Kung makikita mo namang may parang nakausli o nakalabas na buto masasabing dislocated nga ito.

2. Swelling/Namamaga

Ang nabaling buto ay posibleng mamaga dahil sa implasyon ng mga blood vessels o soft tissues malapit sa buto. Kung mapapansin na namaga ito, lagyan agad ng yelo o i-cold compress ng 15 na minuto upang maibsan ang kirot at implamasyon.

(Image Courtesy: www.google.com)

3. Pain o Pananakit

Kung makakaramdam ng pananakit na hindi naiibsan kahit ito ay pinahiran mo na ng mga oil o nilagyan na ng cold compress, ibig sabihin nito ay posibleng mayroong nabaling buto sa iyong katawan.

4. Bruising

(Image Courtesy: www.google.com)

Kapag may pasa ka sa parteng naapektuhan, posibleng ito ay isa rin senyales na nabali ang iyong buto. Lalo na kung ang pasa ay nagiging mas darker blue o violet ang kulay paglipas ng ilang araw.

Tandaan na kapag kayo ay natamaan o naapektuhan sa may buto na bahagi ng inyong katawan, ang unang dapat gawin ay lagyan ito ng yelo sa loobng 15 minutes upang maibsan ang pamamaga at pananakit nito. Importante din na ipahinga ang parteng ito at huwag na masyadong gamitin ito ng may pwersa upang maghilom agad.

Importante rin ang magpakonsulta sa doktor para mas maagapan ito at masolusyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *