Aso Sinagip Ang Buhay Ng Amo Laban Sa Isang Cobra, Ngunit Nakakalungkot Ang Sumunod Na Nangyari

Tunay nga ang kasabihan na, “A dog is man’s bestfriend.” Dahil tila ba naiintindihan ng ating mga alagang aso ang ating nararamdaman. Sila ang nagsisilbi nating mga taga-bantay at matapat na kasama sa bahay.

Pinatunayan ito ng isang aso matapos mailigtas ang buhay ng kanyang amo laban sa isang mapanganib na cobra na nakapasok sa kanilang bahay.



Ayon sa may-ari ng aso na si Jeco Macs, nanunod siya ng telebisyon noong mga oras na iyon nang marinig niya ang kanyang aso na si Moana na may tinatahulan sa may ilalim ng kanilang hagdan. Kinagat at pilit niya itong hinihila palabas, at nang makita ito ng amo ay isa pala itong mapanganib na cobra!

Dali-daling pinat*y ito ni Macs upang hindi na pa makatuklaw sa kanila at siya ay naginhawaan dahil sa pagiging alisto ng kanilang aso. Sapagkat kung hindi dahil dito ay nalagay pa sa panganib ang kanilang buhay.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi nila namalayan na ang kanila palang aso na si Moana ay natuklaw ng ahas. Ang lahat ng kasiyahan ni Macs dahil sa pagkakaligtas ng kanilang buhay ay unti-unting naglaho at naging masalimuot dahil makalipas lamang ng ilang minuto, ang kanilang shitzu crossbreed chihuahua na alaga ay binawian ng buhay.



Saad niya, na hindi daw nila alam na natuklaw ang kanilang aso. At wala daw silang service para madala sa beterinaryo agad-agad ang kanilang alaga lalo na’t 15 minuto ang layo nito sa kanila.

Kaya kung nadala man siya ay hindi na rin daw siya aabot dahil labis na makamandag ang kagat ng cobra at mabilis itong kumalat sa katawan ng kanilang aso.

Giit niya na hindi nila ginusto ang nangyari lalo na’t naging parte na ng kanilang pamilya si Moana, parang anak na rin daw ang turing nila rito.

Kung kaya’t paalala niya sa mga netizens na mahalin ninyo ang inyong mga alagang hayop.

“Moana, I love you! Galing mo napabilib mo ko. Hero ka talaga! Sinagip mo buhay ko and also kaming lahat na pamilya mo dito sa bahay! Kaya mahalin niyo aso niyo kasi matatalino talaga sila at kaya kayong sagipin kahit isalba pa buhay nila, dahil mas mahal nila tayo kesa sa sarili nila!”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *