Bata Na Tinutulungan Ang Nanay Na Maglako Ng Almusal At Meryenta, Hinangaan

Kadalasan ay madami tayong reklamo sa buhay. Minsan, konting hirap lang ay agad na tayong nagrereklamo at hindi natin iniisip na mayroon pa palang ibang tao na mas mabigat ang pasan problema at dinaranas na paghihirap.

Kaya’t mainspire sa kwento ng isang batang ito na kahit sa murang edad niya ay wala siyang reklamo kahit na siya ay tumutulong sa nanay niyang naghahanap buhay.



Ibinahagi ng netizen na si Paul V. Demillo ang isang bata na nakilala bilang si OG John Rei. Inumpisahan niya ito sa,

“Baka masyado ka ng hirap sa buhay mo. Share ko lang sayo story nito ni OG John Rei.”

Photo Credits: Paul V. Demillo/ Facebook

Wika ng netizen na umaga pa lang daw ay maririnig mo na ang boses ng batang ito na sumisigaw ng “Almusal,” habang bitbit ang kung ano ano mang panindang almusal na dala niya. Kasama raw ng bata ang kanyang nanay na naglalako na tulak tulak naman ang kariton dala ang iba pa nilang mga paninda.

Tuwing hapon naman daw ay “Merienda” naman ang sigaw ng bata, bitbit ang kanilang mga panindang pang meryenda.



Saad ng netizen, kung ang batang si OG raw ay gumagawa ng paraan para mabuhay at makatulong sa kanyang ina na maghanap buhay, siguro naman ay kaya rin natin itong gawin lalo na’t mas may karanasan tayo sa buhay kumpara sa kanya.

Dagdag ng netizen,

“Kung nahihirapan tayo tol, baka mas nahihirapan din siya lalo sa mura niyang edad. Kaya yung hirap ng buhay na iniisip natin, baka sigurong likhang imahinasyon lang natin yun sa isip natin. Naka depende lang siguro sa isip natin ang lahat ng yun. Siguro, state of mind lang lahat ng yun.”

Photo Credits: Rosafire Suanque Navarro/ Facebook

Isang netizen rin ang nagkomento at nagpatunay na talagang napaka-sipag raw talaga ng batang ito at ang kanyang nanay na kasama niyang naglalako ng sari saring paninda nila.

Maraming netizens rin ang sumaludo at humanga sa kasipagan ng bata at sinabi na sana ay pagpalain pa siya ng Panginoon. Kung siya ay bata pa lang pero walang reklamo sa paghahanap buhay, sana ay maging inspirasyon siya iba na mas marami ang reklamo kaysa sa trabaho.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *