Bata Pa Lang, Gentleman Na! Batang Lalaki Hinangaan Sa Pag-Offer Ng Upuan Sa Isang Nanay Na May Kasamang Baby

Iilan nga lang ba ang mga taong mag-aalok ng kanilang upuan para sa mga matatanda, buntis, PWD, at nanay na may kasamang baby? Minsan, mapapansin ito sa mga pampublikong mga sasakyan tulad ng mga bus at tren. Na kung saan, nasa harap na nila mismo ang taong nangangailangan ng upuan ngunit patay malisya lang sila at hindi man iaalok ang kanilang inuupuan.

Pero ibahin natin ang isang batang lalaki na ito, dahil sa murang edad pa lang niya ay napaka-gentleman na niya at marunong umintindi sa kanyang kapwa.



Ang di nakilalang batang lalaki na taga China ay nagbiyahe na sakay sa tren kasama ang kanyang ina. Ngunit tila mukhang pagod ang kanyang ina kung kaya’t nakatulog ito sa biyahe. Ayon sa mga nakasaksi, nakaupo ang bata katabi ang kanyang ina, pero nang may pumasok na isang ginang na may tulak-tulak na stroller ng baby ay tumayo ito para ialok ang kanyang inuupuan.

Nang makita niya na tila hirap ang kanyang ina na natutulog at nakasandal lamang ang ulo sa malamig na poste na bakal ay iniangat niya ang ulo nito at inilagay ang kanyang kamay upang maging parang unan para mas maging komportable ang kanyang ina.

Makikita rin na siya muna ang pansamantalang humawak sa bag ng kanyang ina habang ito ay nagpapahinga sa biyahe.

Ang mabait na bata ay hinangaan ng mga netizens sa social media at marami ang nagsasabi na pinalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang pagiging gentleman at; pagkamalasakit sa kapwa. Bibihira na lamang kasi ang mga bata na mayroon nang katangian na ito.



Kadalasan kasi ang mga kabataan ngayon ay puro sarili na lamang ang iniisip at nawawalan na ng pagkamalasakit sa kanilang kapwa. Nawa’y magsilbi sanang gabay ito sa mga kabataan maging na rin sa iba na maging matulungin at magkaroon ng malasakit sa kanilang kapwa.

Lumaki ka pa sanang mabait at responsableng bata!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *