Batang Tindera Ng Fish Cracker Ibinalik Ang Pinagkakautangang Php 1k Sa Netizen

Ilang mga relasyon at pagkakaibigan na ang nasira dahil sa utang. Dapat kasi kapag nangutang alam mong bayaran, hindi iyong basta na lamang kinakalimutan.

Isang batang babae na 11 taong gulang ang pinahanga ang karamihan dahil sa kanyang pagiging responsable sa pagbabayad ng utang sa isang netizen.



Nakilala ang batang babae na si Charry, na isang tindera ng fish cracker at iba pang meryenda upang makatulong sa kanyang pamilya. Isang araw ay nilapitan niya ang kanyang suki na si Bernard Cheng upang makahiram ng pera para sa kapatid niyang mayroong sakit.

Kwento ni Cheng,

“I gave her the money with the impression that it’s a loan. Why? Ayaw ko kasi mamihasa siya.”

Photo Credits: Bernard Cheng/ Facebook

Ayaw raw kasi ni Cheng na umabot sa punto na gagawin na lamang siyang utangan ng pera ni Charry pagdating ng panahon. Ngunit sa kailaliman ng kanyang kalooban ay wala naman na talagang intensyon na singilin pa ang bata.

Makalipas ang dalawang linggo ay bumalik si Charry kay Cheng hindi para umutang ulit kung di para magbayad ng kanyang inutang na isang libong piso.

Sobrang napahanga si Cheng sa ginawa ng bata at sinabi niya na buti pa ang batang ito ay mayroong ‘palabra de honor.’ Ang isang 11 taong gulang na bata ay nakaparesponsable at marunong magbayad sa kanyang pinagkakautangan. Hindi tulad ng iba na kung sino pa ang magaling mangutang, sila pa ang maraming satsat kapag oras na ng singilan.



Nang maiabot ni Charry ang kanyang bayad sa utang, ay nagbigay naman si Cheng ng Php500 sa bata upang hindi nga raw ito mamihasa. Samantala, ang kalahating halaga naman noong isang libong ibinayad kay Cheng ay balak raw niyang ibigay ito sa bata sa pasko bilang aguinaldo.

Dagdag ni Cheng,

“Alam mo Charry, I have always admired your fighting spirit. But now I respect you with all my heart because you know what? MARUNONG KA MAGBAYAD NG UTANG. Thank you again for inspiring me.”

Palaging tandaan, ang utang ay dapat binabayaran!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *