Bride Na Napadala Ang Imbitasyon Sa Maling Address, Di Inaasahan Ay Nakatanggap Pa Ng Regalo

Napakaraming dapat ayusin kapag ang isang babae ay ikakasal na. Kadalasan, ang mga bride-to-be ang halos lahat na nag-aayos at nakikipag-transact sa mga suppliers at kanilang wedding coordinator. Mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay gusto nila na lahat ay maayos at nasusunod sa kanilang plano.

Ganito na yata talaga ang nature ng mga babae. Siyempre, sino ba naman ang hindi nagnanais na magkaroon ng perfect wedding diba?



Ang bride na si Cassandra Warren ay naging hands-on sa pagpe-prepare ng kanyang kasal. Ngunit dahil sa kapos na ang oras ay nagmamadali na siya sa pamimigay ng mga wedding invites sa kanilang 200-guests wedding.

Ngunit sa isang wedding invitation na dapat ay ibibigay niya sa kanyang tiyo at tiya na nakatira sa Eugene, Oregon ay sa maling address niya ito naipadala.

Kwento niya na,

“I was trying to get the invitations addressed while at work with a little one who was sick.”

At sa kanyang pagmamadali ay hindi na siya nagkaroon ng oras upang i-double check pa isa-isa kung tama ba ang address na kanyang pinadalhan.

Makalipas ang isang linggo, ang wedding invitation na kanyang pinadala ay bumalik na may kasamang reply sa kung sino man ang nakatanggap nito. Nang mabasa ito ni Cassandra ay naantig siya sa mensahe ng sender.



Narito ang nakasulat:

“I wish I knew you – this is going to be a blast. Congratulations – go have dinner on me. I’ve been married for 40 years- it gets better with age.”

Ang misteryosong sender na nagbalik noong invitation ay naglagay pa ng $20 at binati pa ang couple.

Kwento ni Cassandra na nag-mail ulit sila ng thank-you note doon sa sender at pina-plano rin nilang magbigay ng thank you gift.

Ito ang isang patunay na mayroon pa talagang mababait na tao sa mundo. At kahit hindi ka nila kilala ay kabutihan pa rin ang ipinapakita nila sa iyo.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *