Brown egg Vs. White egg: Ano nga ba ang mas Healthy na Kainin?

Ang itlog ang isa sa pinaka karaniwang pagkain na makikita sa refrigerator ng bawat Pilipino. Dahil sa mura na at masustansya pa kung saan isang magandang source ito ng protein.

Subalit marami pa rin ang nalilito kung anong klaseng itlog nga ba ang dapat nating kainin. May dalawang klase ng itlog ang makikita sa supermarket at ito ay ang brown at white egg. Sa artikulong ito, ibabahagi namin sainyo kung ano ang pinagkaiba ng dalawang klaseng kulay ng itlog.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng brown sa white egg?

Ang alam ng karamihan ay ang brown eggs ay mas healthy kaysa sa white egg habang ang ilan naman sa atin ay mas pinaniniwalaan na mas malinis ang white egg kaysa sa brown egg.



Subalit alam niyo ba na wala sa kulay ng shell ng itlog para malaman kung ito ay mas healthy o mas malinis dahil ang kulay ng itlog ay depende sa kung anong breed ng manok ito.

(Courtesy: www.google.com)

Ang ibang factor din ng pagkakaroon ng ibang kulay ng itlog ay ang mga sumusunod:

  • maaaring dahil sa laki ng itlog kung saan mas nagiging lighter ang kulay nito
  • maaaring dahil sa mga kinakain ng manok
  • maaaring dahil sa klima at level of stress ng manok

Ano nga ba ang mas healthy? Brown o white egg?

(Courtesy: www.google.com)

Ang White at Brown eggs ay parehas lamang ng nilalaman na nutrition kahit gaano pa ito kalaki o kahit iba pa ang kulay nito.

Ang isang typical na itlog, puti man o brown, ay naglalaman ng napakaraming vitamins, minerals at high-quality na protina na kung saan ito ay may mahigit na 80 calories.

Maaaring tama ang sinasabi ng iba na mas masarap ang brown eggs kaysa sa white egg dahil depende ito sa kinakaing feeds ng manok. Ang mga manok na lumaki sa pagkaing mataas sa fat ay mas nagkakaroon ng flavorful na lasa kaysa sa mga manok na mababa ang fat content ng kanilang pagkain.

(Courtesy: www.google.com)

Anong klaseng itlog ba ang dapat nating bilhin?

Ayon sa mga eksperto, importante pa din ang pagbili at pagkonsumo ng organic o native eggs dahil mas healthy ang mga ito kumpara sa mga commercially available na itlog. Ang tamang pagluluto o pag-boil ng itlog ay isa ring factor upang mas maging malinis o healthy ang itlog na kakainin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *