Chito Miranda, Ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa asawa na si Neri dahil sa kaniyang mga negosyo

Ang mga babae ang tinaguriang “ilaw ng tahanan” at parte ng kanilang nakasanayang responsibilidad ay ang tamang paghawak ng pera para sa pamilya. Na riyan din ang pagpapakita nila ng galing sa pag-diskarte kagaya na lamang ng mabisang pag-budget ng pera at paghahanap ng iba pang mga pagkakakitaan.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na sila ay mabansagan ring mga “wais na misis”.



Isa na rito ang aktres na si Neri Naig na talaga namang madalas ibida ng kaniyang asawa na si Chito Miranda sapagkat napakagaling nito pagdating sa pagiging isang Nanay sa anak nilang si Miggy.

Image courtesy: instagram/mrsnerimiranda

 

Image courtesy: instagraam/mrsnerimiranda

“Tawagin niyo ng pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko yung ginagawa ng asawa ko o sabihin niyo ng nai-inggit ako dahil mas malaki na yung income niya compared to what I was making even before the lockdown started. Okay lang.”, pagbabahagi ni Chito sa kaniyang social media post.

Image courtesy: instagraam/mrsnerimiranda

Hindi maiwasan ng singer na ikwento sa mga netizens kung gaano siya kasaya at ka-proud sa Misis na si Neri hindi lamang sa pagiging maparaan nito na kumita ng pera kundi dahil marami na rin siyang natulungan na mga tao pagdating sa negosyo.

Maliban kasi sa kaniyang in-demand na “Neri’s Gourmet Tuyo” ay kung anu-ano rin ang ibinebenta nito online kagaya ng mga pajama, kape, suka, beddings at marami pang iba.

“For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang eh achievements niya yan…not mine) and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing.”, paglilinaw ni Chito.



Isa sa pinakamalaking naipundar ni Neri bilang isang madiskarteng ina ay ang nabili nitong lupa na may lawak na 6000 sqm. Maliban dito ay mayroon din siyang pag-aari na isang condominium unit sa napakagandang lugar ng Pico de Loro, at nakapagbenta rin ng 15 na lupa sa loob lamang ng isang linggo!

Image courtesy: instagraam/mrsnerimiranda

Talaga namang nakakamangha diba? Nagawa ni Neri ang lahat ng ito dahil sa kaniyang sipag, tyaga at determinasyon na mapalago ang negosyo hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi upang makatulong din sa kaniyang mga distributors at resellers na halos lahat ay kapwa madiskarte moms.

Image courtesy: instagram/mrsnerimiranda
Image courtesy: instagram/mrsnerimiranda

“Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo rin yung ginagawa nila.”, paghamon nito sa mga netizens.

Image courtesy: instagram/mrsnerimiranda

Ayon pa kay Chito, mas malaki na ang kinikita ng kaniyang misis kumpara sa mga “talent fee” na natatanggap niya mula sa mga performance na ginagawa ng kanilang banda. Ganoon pa man, masaya ang singer dahil kitang-kita nito na masaya rin ang asawang si Neri sa kaniyang ginagawa at sa katunayan ay napapagsabay pa nito sa kaniyang mga trabaho ang pagiging isang butihing ina at asawa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *