Dating Tindero Ng Puto-Kutsinta, Nagbigay Inspirasyon Kung Paano Siya Naging Guro

Marami ang nag-aakala na ang pagiging mahirap ay isang malaking pagsubok upang makapag-tapos ang isang tao sa kanyang pag-aaral. Ang ibang mga bata ay tumitigil na lamang sa pag-aaral dahil kinakailangan na nilang magtrabaho kahit sa murang edad upang makatulong lang sa kanilang mga magulang.

Ngunit hindi ibig sabihin na dahil mahirap ka o laki ka sa mahirap na pamilya ay wala ka nang karapatang maabot ang iyong mga pangarap. Isa na lamang patunay ang dating tindero na ito ng puto-kutsinta na si Benjie Liloc na ngayon ay isa nang lisensyadong guro.

Laki si Benjie sa isang mahirap na pamilya mula sa Balingoan sa Misamis Oriental. Hiwalay na ang kanyang mga magulang kung kaya’t napakalaking pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang pamilya. Dumating na nga sa punto na naisip na ng kanyang ina na ipamigay o ipaampon na lamang sila dahil hindi na nitong kayang suportahan ang kanyang mga anak.

Upang makabawas sa problema ng kanyang ina at makatulong sa pang-araw araw na gastusin sa bahay, minarapat ni Benjie na 13 taong gulang noong panahong iyon na magtinda na lang muna. Ngunit hindi rin ito naging madali rin para sa kanya dahil mayroong mga araw na matumal talaga ang benta.

Umabot na rin siya sa punto na kung saan gusto na niyang sumuko subalit naging daan pa pala ito para mapagtantuhan na ayaw niyang maging tindero na lamang ng puto’t kutsinta habang buhay at pagpursigihan pa niya upang makamit ang kanyang pangarap.

Bunga ng pagsusumikap, ay nakahanap si Benjie ng scholarship at nakapag-enroll sa Misamis Oriental Institute of Science and Technology sa Balingasag, Misamis Oriental ngunit sa kasamaang palad ay hindi tinupad ng kanyang sponsor na babayaran nito ang kanyang tuition fee, kaya naman napilitan muli siyang huminto sa pag-aaral.

Sa sumunod na taon ay muli siyang nagbalik sa pagtitinda ng puto’t kutsinta at sa kabutihang palad naman ay napili siyang mabigyan ng scholarship na “Iskolar Ko Ni Bambi” hanggang matapos niya ang kanyang kurso sa education.

Ngayon ay isa ng ganap na professional teacher si Benjie at nagtuturo sa St. Mary’s Academy of Talisayan.

Bahagi ni Benjie sa isang inspiring na mensahe,

“I graduated from college. I landed to a noblest job which is teaching, and passed the licensure examination for teachers. 

My name is Benjie Liloc. A kutsinta-puto vendor and now a licensed professional teacher, believing good things come to those who wait but better things come to those who work for it.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *