Delivery Truck Huminto Para Bilhin Ang Lahat Na Panindang Ice Cream Ng Isang Matandang Vendor

Umuulan noong araw na iyon ng mapansin ng netizen na si Patrick Mariano ang isang delivery truck na pumarada sa harap ng kanilang bahay. Iyon pala, tumigil ang truck na lulan ang mga empleyado upang bilhin ang lahat ng panindang ice cream ng isang matandang vendor.

Ibinahagi ni Mariano ang mga larawan sa pamamagitan ng isang Facebook post na kung saan agad naman itong nag-viral. Caption niya,

“Faith in humanity restored.”

Photo Credits: Patrick Mariano/ Facebook

Kwento niya, nakita niya na tumigil ang delivery truck para sa tatay na nagtitinda ng ice cream sa gilid ng kalsada bumubuhos ang ulan. Inubos nila ang paninda ng matanda upang makauwi na ito at hindi na magkasakit pa dahil suot lamang nito bilang panangga sa ulan ay kapote at sumbrero habang tinutulak ang maliit na stroller na may lulan ng kanyang mga panindang ice cream.

Pinuri rin ni Mariano ang kumpanya kung saan nagta-trabaho ang mga empleyadong sakay ng delivery truck at sinabing,


“Shalom Organic Fertilizer, salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.”

Photo Credits: Patrick Mariano/ Facebook

“Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspired us to do better for other people. God sees your heart and may God bless your business MORE!”

Dagdag ni Mariano, na ang matandang vendor lang raw ang di umano na may gustong lumabas siya upang makapagtinda. Hindi naman daw siya pinilit ng kanyang pamilya.


Siguro kaya lang rin iyon ginagawa ni tatay ay para makatulong sa kanyang pamilya. At baka kaya niya pinagpapatuloy ang patitinda ay dahil ito na ang kanyang nakasanayang gawin simula pa noong bata siya.

Photo Credits: Patrick Mariano/ Facebook

Hinangaan naman ng mga netizens ang magandang loob na ipinakita ng mga empleyado sa matanda. Hindi man nila lahat maubos ang mga pinakyaw na ice cream ay tiyak na napasaya naman nila ang matandang vendor dahil makakauwi na ito ng maaga at hindi na mauulanan pa.

Mabuti na rin lang at nag-krus ng landas ang matandang vendor at ang mga mababait na empleyadong ito. Malaking tulong na kasi ang kanilang nagawa para sa matanda noong maulan na araw na iyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *