Estudyante Ibinida Ang Gown Na Tinahing Kamay Lamang Ng Kanyang Lola

Isa na sa mga pinaka-aabangang event ng mga estudyanteng nasa high school ay ang pagkakaroon ng prom night o junior-senior prom. Ito kasi ang isa sa mga espesyal na araw na kung saan makakapagsuot sila ng mga magagarang mga gowns at suits, makakapagpaganda at makakapag-enjoy sa buong gabi ng pagsasalo-salo bago pa man nila iwan ang buhay hayskul at mag-step forward sa buhay kolehiyo.

Kasama na sa mga pagsubok bago pa man sumapit ang araw na ito ay ang paghahanap ng damit na kanilang isusuot at babagay sa kanila. Di tulad ng ibang mga estudyante na labis nga namang pinagkakagastusan ang isusuot na gown, ibahin ninyo ang isang grade 10 student ito na taga Masbate City.

Laking pasasalamat ni Arianne Marie Contreras sa kanyang Lola “Mamay” Jovita na tumulong upang mabuo ang ninanais na disenyo niya para sa kanyang prom dress.

Ibinida niya sa kanyang social media account ang kanyang Lola na tumulong sa pananahi ng gown ni Arianne. At ang nakakatuwa pa rito hindi man siya napagastos ng mahal upang mabuo ang kanyang dream gown. Sa katunayan, Php120 lamang ang kanyang nagastos gamit ang tirang tela, beads at zipper ng gown.

“I don’t like the gowns here so I went to my grandma and asked her to customize mine. Since I still have spare silk, I went to my grandma’s house and asked if she can also make it. Though I feel bad for making her do another again, she insisted to help me with it.”

Napakahusay at talentado ng Lola ni Arianne dahil hindi nagmukhang cheap ang kanyang isinuot na gown. Parang katulad pa nga ito ng mga disenyo ng sinusuot na mga gowns ng mga Hollywood stars at models. Ang galing rin ng pagkakatahi dahil tila pa itong nagmukhang mamahalin dahil sa sophisticated na criss-cross straps at backless na design.

Sigurado na agaw pansin ang gown ni Arianne noong gabing iyon at tiyak na na-enjoy niya ang kanilang prom night. Napakaswerte niya at mayroon siyang Lola “Mamay” na talentado at napaka-supportive.

Iba talaga ang pagmamahal ng mga lola. Talagang gagawin nila lahat para maibigay lamang ang kasiyahan ng kanilang mga apo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *