Estudyante Na Gumawa Ng Assignment Sa Isang Samsung Store, Binigyan Ng Tablet

Sa panahon ngayon, malaki talaga ang naitutulong ng internet sa pag-aaral. Ngunit hindi lahat ng estudyante ay may access sa internet sa kanilang mga tahanan. Hindi rin lahat ay mayroong computer, cellphone o tablet para gamitin. Kung kaya’y ang isang batang ito ay nakaisip ng paraan para makagamit ng internet ng libre at magawa ang kanyang assignment.

Nakilala ang 10 taong gulang na bata na si Guilherme Santiago na nag-aaral sa Abilio Gomes Municipal School sa Recife, Brazil.



Walang siyang computer at internet sa bahay kung kaya’t nakiki-internet na lamang siya sa labas. Pero imbes na pumunta siya sa mga internet shops at magbayad ay nakaisip siya ng mas wais na paraan para makapag-internet.

Photo Credits: Rafael Martinez Jr./ Facebook

Nagpunta raw ang bata sa labas ng isang Samsung outlet para maki-connect sa libreng wifi ng shop gamit ang kanyang cellphone nang makita siya ng isang employee at inanyayahan ito na pumasok sa loob at para makagamit ng kanilang mga display tablets para hindi siya mahirapan.

Dala-dala ang kanyang school bag ay taimtim na ginawa ng bata ang kanyang assignment habang nakatayo sa tabi ng display kiosk. Kung hindi raw niya nagagawa sa bahay ang kanilang assignment sa paaralan ay doon na sa mismong Samsung store niya ito ginagawa dala ang kanyang notebook at ballpen.



Isang netizen naman ang humanga sa kasipagan ng bata at ini-upload ang video na nakunan niya habang nag-aaral si Guilherme. Di naman nakakapag-taka na agad itong nag-viral at hinangaan pa ng ibang mga netizens.

Photo Credits: Rafael Martinez Jr./ Facebook
Photo Credits: Rafael Martinez Jr./ Facebook

Ayon sa kapatid ni Guilherme ay talagang mahilig raw mag-aral ang kanyang kapatid. Mga dalawa o tatlong beses siyang pumupunta doon para gawin ang kanyang assignment.

Matapos mag-viral ang istorya ni Guilherme, isang representative naman ng Samsung ang nagbigay ng regalo sa kanya na tablet at computer para may magamit ito sa pag-aaral. Nakatanggap rin siya ng scholarship mula sa kumpanya.

Pagpatuloy mo lang ang iyong kasipagan Guilherme at tiyak na malayo ang mararating mo sa buhay!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *