Foreigner Pinagpatuloy Ang Pamumuhay Sa Pinas Kahit Na Ilang Beses Man Siyang Naloko

Talagang nakakamangha na mayroong mga banyagang niyayakap nila ang kanilang pagiging pusong Pilipino lalo na’t kapag napamahal na sila sa ating bansa. Mas pinipili nila na manirahan at mamuhay na lamang dito kasama ang ibang lahi.

Katulad na lamang ng isang 28 taong gulang na Welshman na ito na si Anselm na naitampok ang kanyang kwento sa Facebook page na Becoming Filipino.



Siya ay taga Wales sa United Kingdom, ngunit mas pinili na niyang manirahan at maghanap buhay dito sa Pilipinas kahit na pa ilang beses siya noong naloko ng kapwa Pilipino.

Taong 2016 nang makapangasawa siya ng isang Pinay na taga Davao City. At simula noon ay nabighani at napamahal na siya sa kultura at sa ganda ng ating bansa.

Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook
Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook

Pero sa pagtira niya rito ay naging isang malaking pagsubok sa kanya dahil may mga Pinoy na niloko siya at pinagsamantalahan ang kanyang kabaitan. Gayunpaman ay hindi ito naging hadlang sa kanya para tumigil.

Naghanap siya ng magpagkakakitaan dito para mabuhay ang kanyang pamilya. Kung kaya’t naisipan niyang magtayo ng fishpond kahit na wala naman siyang alam sa trabahong ito at ni wala man siyang mga kakilala na personal sanang makakatulong sa kanya.



Ngunit dahil gusto talaga niyang magpursigi, ay ilang buwan siyang nagsanay sa paghuli ng mga isda at kung paano niya ito maibebenta. Natutunan rin niya kung paano mamangka at pinag-aralan kung ano pa ang mga kakailanganin para sa kanyang fishpond.

Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook
Photo Credits: BecomingFilipino/ Facebook

Noong una ay nag-alaga siya ng mga alimango pero malaki ang kanyang nalugi. Kaya naman sinibukan niya ang mag-alaga ng mga bangus, at ito ang naging daan para sa kanyang matagumpay na negosyo.

Pero kinailangan pa rin niya tiisin ang mamuhay sa isang barung-barong na walang maayos na patubig at kuryente para makatipid sa pagbibyahe patungo sa kanyang fishpond.

Mayroon mang mga tao na nanamantala sa kanya dati ay mayroon din namang mabubuting tao na tumulong sa kanya sa kanilang komunidad. Dahil dito ay natutunan na rin niya ang kultura, wika at uri ng pamumuhay sa kanilang lugar.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *