Galing! 8 Taong Gulang Na Bata Marunong Ng Magluto Ng Iba’t Ibang Ulam

Kung karamihan sa mga bata na 5 hanggang 10 taong gulang ay abala lamang sa paglalaro, ibahin natin ang walong taong gulang na batang na ito na sa murang edad pa lamang ay maaasahan na sa kusina!

Kung ang ibang mga matatanda ay hindi marunong magluto at umaasa na lamang sa mga pagkain na instant at mga pagkaing nabibili sa labas,  tiyak na mamamangha kayo dito sa little chef na ito dahil napakaraming ulam na ang kanyang kayang iluto maging ang mga ulam na may komplikadong sangkap.


Siya ay nakilala bilang si Wayne Macadaag. Manghang-mangha ang mga netizens sa kanya dahil sa dami ng mga putaheng kaya niyang lutuin tulad na lamang ng bicol express, chicken curry, adobong pusit sa gata, at bangus humba.

Photo Credits: Facebook/ GMA Public Affairs

Madalas na hindi nakakasama ni Wayne ang kanyang mga magulang dahil sa kanilang mga trabaho, ngunit lumaki naman ito na kasama ang kanyang lola at tiyo. Dahil dito ay madalas nilang nakakasama si Wayne sa kusina at likas rin sa kanya ang pagiging curious sa pagluluto kung kaya’t tinuruan na nila ito.

Napansin ng kanyang tiyo na parang gusto talaga ni Wayne na matutong magluto. Noong una ay nanunuod-nood lamang daw siya sa pagluluto ng mga ulam hanggang sa tumutulong na siya sa mga simpleng gawain sa kusina tulad ng pagbabalat ng mga sibuyas at gulay.


Sa isang interbyu sa kanya ay paborito raw lutuin ni Wayne ay pancit at spaghetti. Ngunit isa rin sa kanyang mga specialties ay ang menudo.

Kitang kita sa paghawak pa lang ni Wayne ng sandok at kutsilyo hanggang sa step by step na paghahalu-halo ng mga sangkap ay nahasa na siya sa pagluluto sa murang edad pa lamang.

Photo Credits: Facebook/ GMA Public Affairs

Dahil dito ay ginawan siya ng sariling Youtube channel ng kanyang tiyo na pinangalanan nilang “Batang Kusinero.” Dito ay mapapanuod ang kanyang mga nilulutong ulam at baka mismong tayong pang matatanda ay matuto pa sa kanya.

Ayon sa kanyang tiyo ay mainam na naturuan si Wayne na magluto sa murang edad dahil nalilibang naman siya rito at dahil ang pagluluto ay isang mahalagang gawain na madadala niya hanggang sa kanyang pagtanda.

Photo Credits: Facebook/ GMA Public Affairs

Tiyak na kapag mas lumaki pa si Wayne ay mas magiging mahusay pa siya sa pagluluto at pangarap rin niya na maging isang chef at magkaroon ng sariling restaurant balang araw.

Pagbutihan mo pa Wayne at siguradong marami ang tatangkilik sa iyong mga masasarap na lutong pagkain!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *