Guro Nakikipagbarter Ng Kanyang Tanim Na Halaman Kapalit Bond Paper

Dahil sa panibagong paraan ngayon ng pagtuturo sa mga eskwelahan na modular learning, kinakailangan ng mga guro na mag-print ng mga modules para sa kanilang mga estudyante. Bukod sa kailangan nila ng ink at printer ay ang papel o bond paper ang talaga namang gamit na gamit nila ngayon.

May nakalaan mang pondo para sa mga supplies na ito ay hindi pa rin ito nagiging sapat. Kung kaya’t ang isang guro na ito ay naghanap ng ibang paraan upang magkaroon siya ng supply ng bond paper para sa kanyang mga estudyante.



Hinangaan ang diskarte ng guro na si Maam Analiza Guerrero na nagtuturo sa Ricardo Dizon Canlas Agricultural School sa Nueva Ecija. Hilig kasi ni Maam na magtanim ng mga halaman.

Photo From: Laur BARTER Community/ Facebook

Mayroon pang pagkakataon na may kinokolekta siyang uri ng bulaklak ito ay ang Vietnam Rose. Aniya, halos isang taon daw niya bago makumpleto ang magic 8 color ng bulaklak na ito. Kung hindi pa raw siya bumili sa online ng yellow at orange ay hindi pa niya ito makukumpleto.

Ngunit dahil mas importante ang edukasyon ng kanyang mga estudyante ay ipinagbabarter na lamang niya ang lahat ng ito kapalit lang ang ream ng bond paper na A4 o long.



Ipinost niya ang larawan ng kanyang mga pananim sa isang online barter community sa Facebook na Laur BARTER Community. Aniya,

“Maaaring mapasaiyo na lahat ito sa isang bitbitan lang…kapalit ng bond paper… may halaman ka na, nakatulong ka pa. pm sa may gusto.”

Photo Credits: Analiza Moises Guerrero/ Facebook

Kwento ng guro na halos umabot sa isang libo ang kanilang mga enrollees ngayon kung kaya’t kailangan nila ng sapat na supply ng bond paper. Marami naman ang sumuporta sa programa na ito ni Maam Analiza at karamihan sa mga nakikipagbarter sa kanya ay kanya ring mga dating estudyante.

Ang mga ream ng bond paper naman na nakukuha niya kapalit sa kanyang mga ipinagbabarter na halaman ay binibigay niya sa kanilang eskwelahan upang mapakinabangan rin ito ng kapwa niya mga guro.

Sa simpleng paraan raw kasi na ito na walang halong pera ay malaki ang maitutulong nito sa kinabukasan ng kanilang mga estudyante.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *