Hinangaan Ang Isang Bata Na Naglalako Ng Tuyo Upang Masuportahan Ang Kanyang Sarili At Makatulong Sa Ama

May mga bata na maagang nabubuksan ang kanilang mga mata sa mga responsibilidad sa kanilang pamilya. Sa murang edad ay natututo na silang kumayod para lamang masuportahan ang kanilang sarili.

Katulad na lamang ng isang batang ito na kinakailangang maglako ng mga panindang mga tuyo upang magkaroon ng pera para sa pangkain araw araw.



Ang batang lalaki ay nakilala bilang si Lance na taga Gawad Kalinga sa Sta. Ana. Napahanga niya ang mag-ina na sina Jewel Rashia dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon.

Photo Credits: Jewel Rashia/ Facebook

Ayon sa post na ibinahagi ni Jewel sa kanyang Facebook account, nakita nila ang bata na buhat buhat ang basket na naglalaman ng kanyang paninda habang sila ay nasa isang fastfood chain sa may Pateros. Inaalok niya ng tuyo ang mga customers na kumakain doon.

Napag-alaman na kaya nagtitinda si Lance ay upang may pang-suporta ito sa kanyang sarili at sa kanyang amang may sak!t. Wala na kasi ang ina nito kung kaya’t napilitan siyang maghanap buhay sa murang edad dahil hindi na rin makapag-trabaho ang kanyang ama.



Napahanga naman ang mag-ina noong sila ay lapitan ni Lance upang bentahan dahil sa husay nito sa pagtitinda kahit bata pa lamang siya. At kahit payat ang kanyang katawan ay napapansan niya ang ganoong kabigat na mga paninda.

Photo Credits: Jewel Rashia/ Facebook

Pinaalala ng ina ni Jewel na sila ay puro hingi lamang ng pera sa kanilang magulang samantalang ang bata na katulad ni Lance ay natuto ng kumayod sa murang edad pa lamang.

Dagdag ni Jewel sa kanyang post,

“Hi Lance! Kung makakarating man to sayo, napaka-swerte ng papa mo at meron siyang masipag at mapagmahal na anak kagaya mo.”

Photo Credits: Jewel Rashia/ Facebook

Kaya naman nagbigay ng paalala si Jewel sa kanyang kapwa kabataan,

“Kaya sa ibang kabataan dyan maging aral sana to sa inyo na hindi madali ang buhay, hindi madaling kumita ng pera kaya wag lang kayo puro “ma/pa penge pera” sa magulang niyo. Matuto din kayong dumiskarte dahil hindi niyo alam yung paghihirap ng magulang natin mabigyan lang tayo ng magandang buhay.”

Nawa ay maging aral sana ito sa lahat na pahalagahan ang bawat grasyang natatanggap at huwag lang inaaksaya dahil mayroong ibang tao na nagpapakahirap para lamang mabuhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *