Hinangaan Ng Mga Netizens Ang Balut Vendor Na Sinasagutan Ang Kanyang Mga Modules Habang Nagtitinda

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Vanessa Belonio ay makikita ang isang lalaki na nagtitinda ng balut sa harapan ng public plaza sa Victorias City, Negros Occidental. Ang 15 taong gulang na lalaki ay kinuhanan ng larawan habang naka-break sa pagtitinda at makikitang sinasagutan ang kanyang module sa pag-aaral.

Napag-alaman ni Belonio sa ilang mga residente doon na ang batang tindero ng balut ay isang Grade 10 student na nakilala bilang si Julius Barbosa na nag-aaral sa Victorias City National High School. Ang kanyang ama ay isang tricycle driver samantalang isang housewife naman ang kanyang ina.


Siya ang panganay sa kanilang siyam na magkakapatid kaya naman pitong taong gulang pa lamang siya noon ay tumutulong na siya sa pagbebenta ng balut para makatulong sa kanilang pamilya.

Makikita ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral at paghahanap buhay dahil ginagamit niya ang kanyang bakanteng oras upang makapag-aral at masagutan ang module sa kanilang paaralan habang nag-hihintay ng mga customer na bibili ng kanyang paninda.

Photo From: Vanessa Belonio/Facebook

Dagdag ni Belonio na hinangaan niya ang estudyanteng balut vendor na ito dahil napagsasabay niya ang pag-aaral at paghahanap buhay sa murang edad pa lang.

Aalis ng bahay si Barbosa ng alas-kwatro ng hapon upang magtinda na ng balut at makakauwi na ito ng alas-diyes ng gabi.

Sa umaga ay tumutulong pa siya sa mga gawaing bahay kaya naman dinadala na lamang niya ang kanyang module habang siya ay nagtitinda upang magkaroon ng oras para magbasa-basa at masagutan ito.


“I was very inspired. I can see that he is very dedicated to learn and to earn to be able to help his family. 

I felt his urge to pursue his studies despite the situation he’s in. I was inspired at the same time, because I am also a student,” saad ni Belonio.

Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ni Barbosa, ngunit para sa balut vendor na ito, ang kanyang pamilya ang kanyang nagiging inspirasyon upang magpursigi pa sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *