Huli Ka! Lalaki Na Dapat Sosorpresahin Ang Kanyang GF, Nakitang May Kayap Ng Iba

Sabi nga ng ilang magkarelasyon ay mahirap ang long distance relationship. Ngunit para sa ilan ay dito nila nasusubok kung gaano katatag ang kanilang relasyon. Minsan kapag magkalayo ang magkasintahan ay ito ang nagiging sanhi kung bakit naghahanap ng iba ang kanilang partner.

Kung kaya’t naman maituturing na napaka-tibay ng pagsasamahan ng magkasintahang nasa long distance relationship kung nanatitili silang tapat sa isa’t isa at hanggang sa huli ay sila pa rin.



Pero ang isang lalaking ito ay nadurog ang kanyang puso matapos mahuli ang kanyang girlfriend na kayakap ang ibang lalaki

Photo Credits: @T_Radiosonde/ Twitter
Photo Credits: @T_Radiosonde/ Twitter

Ang di nakilalang lalaki ay nagbyahe pa ng 2,400km upang sorpresahin sana ang kanyang nobya para sa isang espesyal na okasyon. Upang hindi siya agad makilala ay nagsuot ito ng teddy bear mascot costume.

Ang sweet sana ng naging moment nila kung natuloy lamang ang sorpresa nito sa kanyang girlfriend ngunit sa kasamaang palad ay siya pa ang nagulat sa kanyang nasaksihan.

Ang sabi kasi ng kanyang nobya ay kasama nito ang kanyang mga kaibigan, di rin niya inaakala na sosorpresahin pala siya ng kanyang boyfriend. Kaya naman noong pinuntahan ng lalaki ang kanyang nobya ay nakita niya ito na kasama ang ibang lalaki na kung saan ay bumibili sila ng pagkain sa isang stall at nakita niyang sweet na sweet pa ang dalawa at mukhang may namuo ng relasyon sa kanila.



Sa gulat ng lalaking nakasuot ng mascot ay napatulala na lamang siya. Tinanggal niya ang suot na ulo ng mascot upang mas lalo niya silang makita. At noong napalingon ang babae ay nagulat rin siya na makita ang kanyang unang boyfriend na nakatayo doon habang sila ay pinapanuod na magkayap ng kanyang lalaki.

Photo Credits: @T_Radiosonde/ Twitter

Sinuot muli ng lalaki ang ulo ng mascot at tumakbo na lamang palayo. Hinabol naman siya ng babae at niyakap ngunit tila wasak na talaga ang puso ng boyfriend sa mga pangyayari.

Maraming netizens ang naglabas ng sama ng loob sa babae at sinabi na ang sama ng kanyang ginawa dahil sa pangangaliwa at sa hindi pagiging tapat.



Leave a Reply

Your email address will not be published.