Ibinahagi ng Mag-asawang ito ang Tips o Paraan para Tumatag ang relasyon kahit may mga Anak na

Ang pagkakaroon ng mga anak ang isa sa mga hangarin ng bagong mag-asawa at kapag dumating nga ito sa kanilang buhay ay siguradong abot-langit ang kanilang saya. Ganoon pa man, kung sunod-sunod ang pagkakaroon ng anak ay maaring mahirapan ang mag-asawa lalo na kung kasabay pa nito ang paghahanap-buhay para sa pamilya.

Isang netizen nga ang nagbahagi ng kaniyang kwento sa social media at siya ay nakilala bilang si Janelle Joy Viray Robledo.

Image courtesy: Facebook/Janelle Joy Robledo

Sa limang taon ng pagsasasama nila ng asawang si Jay ay nagkaroon na sila ng tatlong anak at ang pinakamatanda dito ay apat na taong gulang. Aminado si Janelle na hindi biro ang pag-aasikaso sa mga bata pati na rin pagsisigurong malinis ang bahay at mayroon silang makakain sa araw-araw. Ani nga ay parang “rollercoaster” ang bawat araw na dumadaan sa kanila.

Ganoon pa man, napapanatili pa rin nilang mag-asawa na masaya ang kanilang pagsasama dahil sa mga sumusunod na kapamaraanan:

1. Magkasamang pag-gawa ng mga gawain

Hindi mabilang ang mga gawain na kailangang gawin sa loob ng bahay at bilang mag-asawa, mainam na ginagawa natin ito ng magkasama. Sa ganitong paraan, mabilis natin itong natatapos at nasisigurong mayroon pang lakas ang bawat isa para sa mas mahahalagang gawin.

2. Paglalaan ng oras at panahon sa sarili

Bigyan ng pagkakataon ang iyong partner na magkaroon ng panahon para sa kaniyang sarili. Ito man ay simpleng pagligo ng matagal o paglalaro ng online games ni Mister o maari ring pag-online shopping ni Misis. Mahalaga ito upang kahit papaano ay makapaghinga ang bawat isa at magawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

3. Matutong pahalagahan ang ginagawa ng bawat-isa

Image courtesy: Facebook/Janelle Joy Robledo

Madalas nagiging dahilan ng away mag-asawa ang mataas na “expectation” sa isa’t isa kaya naman mas mainam na iwasan ang bagay na ito at sa halip ay pag-aralan kung papaano mas mabibigyan ng pagpapahalaga ang ginagawa ng bawat isa gaano man ito kaliit.

4. Huwag kalimutang maging sweet sa iyong asawa

Ito ang isa sa pinaka-importanteng paraan para mapanatiling masaya at matatag ang relasyon bilang mag-asawa. Ang simple halik at yakap sa iyong kabiyak ay malaking paraan na upang maipadama kung gaano mo sila kamahal.

5. Piliin ang mga bagay na kailangan niyong pag-usapan

Hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawan ang mag-asawa lalo na kung parehong pagod at stress. Kaya naman importanteng tandaan ang tamang panahon kung kalian dapat pag-usapan ang mga bagay-bagay upang hindi na makadagdag pa sa bigat na nararamdaman ng iyong partner.

Image courtesy: Facebook/Janelle Joy Robledo

6. Matutong tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago pa

Madalas may mga pinagdadaanan ang mag-asawa na mahihirap na sitwasyon kagaya na lamang ng pag-iiba ng schedule sa trabaho o di kaya naman ay pasok at tulog ng iyong mga anak. Sa ganitong panahon mas mainam na tanggapin nalang kung ano ang nangyayari at gawin ang nararapat upang mas maging magaan ang lahat. Tandaan rin na hindi mo agad-agad mababago ang ugali ng asawa mo o di kaya ng iyong anak kaya naman, sa halip ay unahin mo ang pagababago ng iyong sarili kagaya na lamang ng iyong ugali, mood, lifestyle maging ang mga ginagawa mong desisyon.

7. Laging magpatawad

Pareho lang kayong tao at nagkakaroon ng pagkakamali kaya naman, mahalaga na magkaroon ng pag-uunawaan at pagpapatawad sa mga panahon na nasasaktan tayo ng ating kabiyak.

Image courtesy: Facebook/Janelle Joy Robledo

8. Gawing sentro ng relasyon ang Panginoon

Ito ang pinakauna sa lahat ng dapat gawin ng mag-asawa lalo na at maraming bagay sa ating paligid na hindi natin kayang kontolin at tanging ang Maykapal lamang ang nakakaalam ng ating kinabukasan. Mahalaga rin ang bagay na ito dahil ito ang magpapanatili ng isang matatag na relasyon at magpapalakas sa atin sa tuwing tayo ay nanghihina.

Sa huli ay alalahanin natin kung gaano natin pinangarap na makasama ang ating kabiyak sa habang-buhay at ngayon na natupad na ito, gawin natin ang lahat ng ating makakaya sa tulong ng Panginoon para mapanatili itong masaya at matatag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *