Ice For Sale: Netizen Ibinahagi Ang Kanyang Legit Way Para Kumita Ng Pera Kahit Nasa Bahay

Napakahirap kumita ng pera. Iyon bang tipong nais mong mag-negosyo pero hindi mo alam kung paano ka magsisimula dahil kulang ka sa kapital. Kung kaya’t marami ngayon ang mga scam na nagkalat na sinasabing wala kang ilalabas na kapital pero kikita ka ng mabilisan.

Kaya naman ang isang concerned netizen ay nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano siya kumita ng pera sa lehitimong paraan na walang halong panloloko o daya.



Ibinahagi sa isang Facebook post ng netizen na si Ambon John kung paano siya kumita ng pera kahit na siya ay nasa bahay lamang. Saad niya sa kanyang post,

“Paano nga ba kumita ng pera habang nasa bahay ka lang?” Sagot niya sa kanya tanong, “Simple lang, magtinda ng yelo.”

Bahagi ni Ambon na nakakaproud daw dahil sa loob lamang ng apat na linggo ay kumita siya ng mahigit Php 1,150.

Photo Credits: Ambon John/ Facebook

Dagdag pa niya, “Sabe nga nila basta may tyaga, may nilaga.”

Hinimok pa niya ang ibang mga netizens na kung nasa bahay ka lang naman at gusto mong kumita ay magtinda na ng yelo. Sa init ba naman ngayon ng panahon ay tiyak na maraming tao ang nagnanais magpalamig kung kaya’t sa tingin niya ay maganda itong gawing negosyo.

Sa comment section ng kanyang post ay ibinahagi rin niya na tubig NAWASA lamang ang kanyang gamit at hindi niya pinapayagan ang mga bumibili na mangutang kahit na pa kakilala niya.

Sabi niya, “Hindi ako nagpapautang. Kahit kaibigan, walang kai-kaibigan kapag business pinag-uusapan.”



Tanong naman ng mga netizens sa kanya kung magkano raw ba niya binebenta ang kada supot ng yelo na kanyang tinitinda at sinagot niya tig kwatro pesos kada isa.

Ngunit wika ng ilang netizens na parang hindi praktikal magtinda ng yelo lalo na’t malaki rin ang kakainin nitong kuryente. Kung kaya’t ang naipon niyang pera ay malamang na sa pambayad rin ng kuryente mapupunta.

Kung kayo, susubukan niyo rin ba ang business na ito?



Leave a Reply

Your email address will not be published.