Isang Estudyante ang Tinitiis na Gumawa ng Assignment sa Flyover Araw-araw Dahil Walang Ilaw ang Kanilang Tahanan

Kahirapan ang isa sa mga nagiging dahilan at pumipigil sa mga bata na magkaroon ng kalayaan at maayos na pag-aaral sa paaralan o di kaya naman ay sa sarili nilang mga bahay. Ngunit para sa ilang mga bata na pursigidong makamit ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho, ang kahirapan ay isa lamang salita na walang bisa dahil hindi nila ito alintana at nakatuon ang kaisipan sa magandang hinaharap.

Isa sa mga batang ito ang naging usap-usapan sa internet dahil sa pagiging maparaan niya upang matapos ang mga takdang aralin.

Nakilala ang bata bilang si Qu Sinian, kasalukuyang walong taong gulang at nakatira sa Guizhou, probinsiya ng China kasama ang kaniyang ama at ina. Mahirap ang estado nila sa buhay dahil maysakit sa puso ang kaniyang ina at ama nalang nito ang nagtatrabaho para mabuhay silang mag-anak.

Kaya naman pinagiigihan ni Qu ang kaniyang pag-aaral nang sa gayon ay maging maganda ang kaniyang mga grado. Pangarap niyang maiahon sa kahirapan ang pamilya kapag siya’y isa ng ganap na Doktor at napili niya ang nasabing propesyon dahil nais niya ring magamot at maalagaan ng maayos ang mga magulang na maysakit.

Naakasidente din kasi ang ama nito sa kaniyang dating trabaho at nagkaroon ng kapansanan. Sa kabutihang palad ay nakakapagtrabaho parin ito at kumikta ng $152 sa isang buwan o humigi’t kumulang 7,000 pesos.

Maliit lang ang halagang ito dahil nangungupahan sila ng bahay at gumagamit pa ng uling para labanan ang lamig tuwing winter season kaya naman wala ng natitira para sa pambayad nila ng kuryente.

Naunawaan naman ng bata ang kanilang sitwasyon at nasanay na rin di umano ito sa maiingay na sasakyang dumadaan sa kalye habang abala siya sa paggawa ng takdang aralin.

Ang pagsusumikap na ito ni Qu ay nagkaroon nga ng magandang resulta dahil panay A ang kaniyang nakukuhang grado sa lahat ng kaniyang mga aralin. Masayang-masaya rin ang kaniyang mga magulang sa tagumpay ng kanilang nag-iisang anak at suportado nila ito sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Nang tanungin naman si Qu kung ano ang nais niyang regalo ay “ilawan” ang kaniyang nabanggit dahil napakalaking tulong nito sa kaniyang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *