Ito ang 5 Dahilan Kung Bakit Maganda sa Mukha ang Paghihilamos ng Apple Cider Vinegar!

Napakaraming tao sa buong mundo ang may alam sa kakayahan ng Apple Cider Vinegar na makapagbigay ng napakaraming kapaki-pakinabang na benepisyo para sa ating pamumuhay, isa na rito ang kakayahan nito na makapagbigay ng nutrisyon para sa kalusugan ng ating balat. Hindi na masasaktan ang iyong bulsa kakabili ng mga mamahaling facial cleanser dahil maaari mong gamitin ang ACV bilang alternatibong solusyon para sa iyong balat.

1. Maiiwasan at mababawasan ang mga age spots

Maghilamos gamit ang apple cider vinegar araw-araw at asahan na maglalaho ang mga age spot o umunti.

Ang alpha hydroxy acid na nagmumula sa apple cider vinegar ay lumulusot sa kailalim-laliman ng inyong balat na nagbibigay ng malusog na balat at inaalis ang mga pigment spots.



Ang Alpha hydroxy acid ay karaniwang ginagamit at nilalagay sa mga mamahaling produkto ng mga skin care kaya hindi mo na kailangang gumastos ng napakamahal at apple cider vinegar na lamang ang gamitin.

2. Nilalabanan ang acne, pimples, at blemishes

Ang proseso ng paglikha ng apple cider vinegar ay sinasamahan ng malic acid. Dahil dito, ang produktong ito ay napakabuti para sa mga acne at pimples. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang malic acid ay agresibo sa pagpapatay ng mga bacteria at tumutulong upang sugpuin ang mga virus.

3. Binabalanse ang balat

Kung regular mong huhugasan ang iyong mukha ng apple cider vinegar na hinalo sa tubig 3-4 na beses sa loob ng isang linggo, ito ay makakatulong upang gawing balanse ang pH level sa inyong mukha at labanan ang oily skin. Ang apple cider vinegar ay binabalanse ang sebum upang iwasan ang paglitaw ng pagmamantika na balat.

4. Tumutulong upang bawasan ang wrinkles

Ang apple cider vinegar ay mayroon ding kakayahan upang mabawasan ang paglantad ng mga wrinkles o nangungulubot na balat.

Upang ito ay gumana, hugasan ang inyong mukha gamit ang apple cider vinegar, hindi man ito gaano kasigurado kung magiging epektibo para sa inyo, ang importante ay sumubok kayo. May iba ding tao, ang sumusubok na uminom ng isang baso ng apple cider vinegar sa isip nila na ito ay maaaring makatulong.

5. Nakakaalis ng mga toxins

May pag-aaral na ang paghuhugas ng mukha gamit ang apple cider vinegar na ihinalo sa tubig ay tumutulong upang labanan at wakasan ang mga toxins na namamahay sa inyong balat sa mukha at bibigyan kayo nito ng namumukadkad na balat.

Huwag kayong maglagay ng pure na apple cider vinegar sa mukha dahil maaari itong kumirot o sumakit. Laging alalahanin na ihalo muna ito sa tubig bago i-apply sa mukha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *