Ito ang 7 na Senyales na Kulang ang Iyong Katawan sa Potassium na Tinatawag din na Potassium Deficiency!

Ang potassium ay mineral para sa katawan na lubos na kinakailangan para tulungan ang inyong muscles, ngunit kung ang antas ng inyong potassium sa katawan ay mababa, dapat ka nang mabahala para sa iyong kalusugan. Kung nararanasan mo man ang mga senyales na ito, mas mainam na kumonsulta sa doktor kung ikaw ay nagkukulang sa potassium.

Gaya ng calcium o magnesium, ang potassium ay isang electrolyte na tumutulong sa pag-gana ng inyong buong katawan. Isa din ito sa mga nutrients na madalas na ipinapayo ng mga nutritionist na ating palakasin. Ang potassium ay may kakayahan na pababain ang ating blood pressure at tumutulong sa paggana ng ating digestion and muscle.

Kaya naman kung papanatilihin na nasa tamang antas ang inyong potassium at alam niyo kung kailan kayo kakailanganin na magpatingin sa doktor kung kayo man ay mayroong potassium defeciency, mas mainam na malaman niyo ang mga senyales na kulang kayo sa potassium.



Ito ang mga sumusunod na sintomas o senyales na kayo ay potassium deficient:

1. Mayroon kang poor diet

Napakadali na kumain ng mga pagkain tulad ng cookies, chips, chocolates, at iba pang mga nakakaginhawang pagkain. Ngunit kung ang inyong diyeta ay hindi balanse, maaari kang humantong sa pagkakaroon ng potassium defeciency. Kung hindi ka masyado mahilig sa mga prutas at gulay, hilig mo ang mga processed na mga pagkain at junk foods, ikaw ay mas magiging malapit sa kakulangan sa potassium.

2. Nanghihina na mga kalamnan o muscles

Kung mababa ang iyong potassium sa katawan, makakaramdam ka ng panghihina sa iyong mga kalamnan dahil ang potassium ay isang electrolyte na nagbibigay lakas at tibay sa inyong muscles.

3. Ang iyong mga muscles ay madalas na namumulikat

Dahil nga ang inyong kalamnan ay nangangailangan ng malulusog na potassium, kung sakali man na bumaba ang inyong potassium sa katawan, mas magiging madalas ang iyong pagkakaroon ng pamumulikat.

4. Ikaw ay gumagamit ng mga diuretic o fluid pills

Karaniwang rason ng pagkakaroon ng potassium defeciency ay ang paggamit ng mga pills na fluids katulad ng mga diuretics. Ang mga pills ay nagsasanhi ng labis na pagkawala ng potassium sa inyong ihi.

5. Ang kabilisan ang tibok ng inyong puso ay abnormal

Ang labis na pagkakaroon ng mababang potassium sa katawan ay kayang guluhin ang takbo ng tibok ng inyong puso at maaari din magsanhi ng arrhythmias kung sobra sobra ang pagbaba ng potassium. Ngunit alam niyo ba na ang pagkain ng saging araw-araw ay napatunayan ng mga eksperto na nakakapagpababa ng peligro dulot ng mga atake sa puso o stroke.

6. Ikaw ay dehydrated o kulang ng tubig ang katawan

Kasabay ng pagkakaroon ng kakulangan ng potassium sa katawan, maaaring magpakita ang mga sinyales tulad ng dehydration, eating disorders, at athletes. Ngunit kaya itong kaya itong labanan sa pamamagitan lamang ng pag inom ng tubig galing sa niyog para sa mas epektibong pagrere-hydrate. Ngunit isa sa pinaka kailangan mo pa din ay ang tubig.

7. Mayroon kang mga acne at dry na balat

Madaling mong malalaman ang pagkakaroon ng potassium defeciency sa pamamagitan ng pagtingin kung masyado kang madaming acne at madalas na tuyo ang inyong balat. Gayunpaman, ang mga senyales na ito ay karaniwang makikita din sa ibang kondisyon, kaya naman kakailanganin mo pa din talaga na magpatingin sa eksperto kung ikaw ay may kakulangan sa potassium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *