Ito ang Limang Tips Para Mapanatiling Healthy ang Lalamunan o Throat

Ang ating lalamunan ay napakaimportante dahil dito dumadaan ang hangin at ang pagkain na ating kinakain. Naaapektuhan din ang ating lalamunan kapag tayo ay nagkaroon ng sak!t at ito ay nagsisimulang maging makati, mahirap lumunok, at madaling matuyo.

(Courtesy: www.google.com)

Kaya bago pa man maramdaman na may kakaiba sa iyong lalamunan ay narito ang mga paraan kung paano mo ito mapapanatiling healthy at malayo sa impeksyon.

1. Laging uminom ng tubig

Ang vocal folds sa ating lalamunan ay binubuo ng mga protective layers ng soft tissues na kailangang mapanatiling moist upang hindi kaagad-agad magasgas. Kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto, na kapag nauuhaw ay huwag kape, juice, o softdrinks ang inumin, sa halip dapat ay tubig na lamang. Damihan din ang paginom ng tubig sa mga taong nagtatrabaho sa may naka-airconditioned rooms dahil mas madaling matuyo ang lalamunan dito.

2. Bigyan ng pahinga ang lalamunan



Isa sa mga rason kung bakit sumasak!t ang lalamunan ay dahil na rin sa labis paggamit nito. Halimbawa kung ang iyong trabaho ay kinakailangang nakikipagusap lagi sa mga tao, maglaan ng “breaks” upang mapahinga ang iyong lalamunan. Dahil kung hindi magiging dahilan ito ng sore throat.

3. Magmumog ng tubig na may asin

Ang asin ay nagsisilbing disinfectant na nakakapagpigil sa pagdami ng bakterya sa iyong lalamunan. Maaari rin itong gamitin kapag sumasak!t ang iyong lalamunan at upang matanggal ang mabahong amoy Imumog lamang ito.

(Courtesy: www.google.com)

4. I-warm up ang mga throat muscles

Mapapansin sa mga singers na nagwa-warm up muna sila bago bumirit at umawit. Ito ay nakakatulong upang makondisyon ang iyong mga vocal chords at hindi mabigla sa normal na tono ng iyong boses.

(Courtesy: www.google.com)

5. Linisin o palitan ang toothbrush

Ang toothbrush ay maaaring pamahayan ng mga bakterya. Dapat ay pinapalitan ito every 3 months kahit na hindi pa nasira ang bristles nito. Sa ganoong katagal na panahon ay tiyak na pinamahayan na ito ng mga bakterya dahil ito ay moist. Kaya upang hindi maipasa sa iyong bibig ito ay palitan na ito. 

Pwede mo ring linisin ang iyong toothbrush araw-araw o linggo linggo sa pamamagitan ng paghalo ng 1 kutsarang asin sa isang tasang may mainit na tubig. Isawsaw ang iyong sepilyo dito bago gamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *