Ito ang Maidudulot ng Okra Kapag Isinama Ito sa Inyong Diyeta

Ang gulay na okra karaniwang inihahapag ng mga Pinoy sa hapag kainan. Marahil ayaw ng iba dahil sa kaniyang dulas na tinataglay sa tuwing kinakain ito, ito naman ay nagtataglay ng napakadaming nutrients para sa katawan.

Alam mo ba na ang gulay na okra ay may mga kamangha-manghang mga benepisyong nilalaman na lubos na nakatutulong sa ating kalusugan? 

(Courtesy: www.google.com)

Madalas na makita ito sa mga pamilihan kasama ng mga iba’t ibang uri ng gulay. Nagtataglay ng matulis na pahabang sukat at kulay berdeng balat. Ginagamit itong sangkap sa mga lutin tulad ng pinakbet at ginisang gulay. Maaari rin itong kainin ng puro sa pamamagitan ng paglaga sa gulay na ito. Ginagawa rin ng iba ay ibinababad ang okra sa kanilang inumin o kaya naman ginagawa itong shake. Ito ay mayaman sa bitamina C, nagtataglay ng mababang calories, mataas ang nilalaman na fiber at marami pang mga nilalaman na nagpapaganda sa ating kalusugan.


Narito ang maidudulot ng okra kapag iyong kinain at isinama sa inyong diyeta:

(Courtesy: www.google.com)

1. Lower Cholesterol

Kung hanap mo ay pagkain na may mababang calories ay pasok na pasok para sa iyong listahan ang okra. Dahil sa taglay nitong mababang calories nakatutulong din ito sa pagbaba ng inyong cholesterol. Ngunit hindi lamang iyon, mayaman pa ito sa fiber na siya ring maganda para sa iyong digestive system. 

2. Nakakatulong pagpababa ng asukal sa dugo

Ayon sa pagaaral at pananaliksik, napagalaman na ang okra ay nakapagpapababa ng asukal sa ating dugo. Kaya sa mga taong dumaranas ng sak!t na diabetes na naghahanap ng pagkaing makatutulong sa kanila para mabalanse ang kanilang lebel ng asukal sa kanilang dugo, mainam na kumain ng okra

(Courtesy: www.google.com)

3. Good for the eyes

Hindi lamang ang kalabasa ang makatutulong sa pagaalaga sa kalusugan ng mata. Dahil ang okra ay may dalawang uring nilalaman na napakahalaga at kailangan ng ating mga mata para sa maganda nitong paggana at kalusugan. Ang pagkain nito ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa ano mang sak!t na nauugnay sa mata.

4. Mabuti para sa mga buntis

Ang lahat ng bitamina at minerals na nilalaman ng okra ay napakaganda para sa buntis. Ang mga ito ay tumutulong sa pagbubuntis ng isang ina para maiwasan ang pagkakaroon ng depekto ng sanggol. At Sinisiguro rin na malusog ang paglaki ng bata sa sinapupunan ng ina. Idagdag pa ang pagtulong na maiwasan ang constipation sa panahon ng pagbubuntis.

(Courtesy: www.google.com)

5. Nakakatulong para sa mga taong may asthma

Ayon sa isang pag-aaral ang mga uri ng pagkain na mayaman sa bitamina C ay napakaganda para sa taong may asthma. Dahil natutulungan nitong maiwasan ang sintomas nito. At ang okra ay mayaman sa vitamin C. Kay isa itong sagot para maiwasan ang sintomas ng asthma. Hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na ang vitamin C ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating immune system. Ngunit hindi lamang iyon, nakatutulong rin ito sa kalusugan ng ating kideney.

Kaya importante ang pagkain ng okra at idagdag ito sa inyong diyeta dahil isa din itong powerful foods para sa ating sistema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *