Ito ang mga Bagay na Dapat Mong Malaman Kung Ikaw ay Anemic

Ano ang Anemia?

Ang anemia ay isang kondisyon kung saan mayroong kakulangan sa dugo, patikular na sa mga red blood cells. Ito ay isang pangunahing kondisyon na nararanasan ng mga Pinoy na malalaman sa paraan ng Complete Blood Count (CBC) na isang general checkup upang mabilang ang mga red blood cell sa dugo. 

(Courtesy: www.google.com)

Kung ikaw ay anemic, makakatulong ang artikulong ito upang maunawaan at maintindihan mo ng  mabuti iyong kondisyon.

Mga Karaniwang Sintomas ng Anemia:



Ang iba ay walang makikitang sintomas ng anemia, subalit ang iba ay maaaring makakaramdam ng mga sumusunod sa sintomas:

(Courtesy: www.google.com)

-Madalas na pamumutla

-Matinding pagkabog ng dibdib

-Biglang pagkahilo o pagkawalan ng malay

-Madalas na pagkapagod

-Matinding panghihina ng tuhod o katawan

-Pagka wala ng oxygen sa ulo at hirap sa paghinga

-Panlalamig ng katawan, tenga o kamay

-Biglang pagdidilim ng paningin

Paraan Para Malunasan o Maiwasan ang Anemia:

1. Kumain ng pagkain na sagana sa iron tulad ng beans, gisantes, dried fruits, raisins, nuts at mga berde o makukulay na gulay upang magkaroon ng lakas ang katawan.

2. Kumain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C upang mabilis ang pag absorb ng iron sa inyong katawan. Pumili ng mga citrus fruits para madagdagan ang vitamin C.

(Courtesy: www.google.com)

3. Iwasan ang pagtayo ng matagal o ang pag bibilad sa araw o pag-stay sa isang mainit na lugar, dito kadalasan nawawalan ng oxygen sa utak ang isang tao at pinagmumulan ng pagkahilo o panghihina.

4. Kumain ng 3 beses sa isang araw. Kapag kayo ay anemic, importante ang pagkain ng sapat na pagkain sa tamang oras upang hindi sasakit ang inyong sikmura na makakapagdulot ng inyong panghihina.

5. Iwasan ang matinding nerbyos o stress. Isang magndang gawain ay ang mga inhale at exhale sa tuwing kinakabahan o nineneberyos upang marelax ang inyong malakas na kabog sa dibdib.

6. Kumain ng pagkain na sagana sa iron tulad ng karne, manok, isda at pula ng itlog upang makatulong sa inyong hemoglobin sa dugo. 

(Courtesy: www.google.com)

7. Kung kayo ay madalas na nakakaranas ng pagkahilo o pagdidilim ng inyong paningin, umupo sa isang maaliwalas na lugar at subukan humiga at itaas ang inyong mga paa sa unan. Siguraduhin mas mataas ang inyong mga paa kaysa sa ulo upang magkaroon ng flow ng oxygen sa ulo.

8. Importante ang magpakonsulta sa inyong doktor upang matukoy kung kayo nga ba ay anemic at para mabigyan kayo ng tamang gamot kung kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *