Ito ang Rason Kung Bakit Kailangan Natin Kumain ng Mataas na Iodine Content na Pagkain

Ang iodine ay isang klase ng mineral na importante sa produksyon ng mga hormones. Ang mga hormones ay ang responsable sa pag-regulate ng ng takbo ng thyroid, pagsuporta sa maayos na metabolismo, pagtulong sa paglaki ng katawan. Ang katawan ng isang tao mayroong 20 hanggang 30 miligrams ng iodine na matatagpuan sa thyroid gland, sa baba ng tinatawag na voice box o Larynx. Habang ang ilang iodine naman ay nasa mammary glands, salivary glands, stomach lining at dugo ng isang tao.

Ano ba ang kahalagahan ng IODINE sa ating katawan?

Ang mababang pagkonsumo ng iodine ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng goiter o di kaya’y pagkaduling, pagkabingi, pagkapipi, pagbaba ng intelligence quotient at pagbagal sa paglaki ng mga sanggol.

Ang sobra o kulang sa iodine ay parehong nakapagdudulot ng problema sa produksyon ng hormone sa glandulang thyroid na humahantong sa HYPOTHYROIDISM.

Ang katawan ng isang adult ay kailangan ng 150 mcg na iodine kada araw, habang 200 mcg naman ang dapat para sa mga buntis at nagbbreastfeed na nanay.

Kaya importante po ang pag konsumo ng mataas na Iodine content sa mga pagkain upang makaiwas sa goiter at iba pang thryoid gland Deficieny

Alamin ang Pitong Pagkaing Mayaman sa Iodine

1. Iodized Salt

Ito ang pinakamainam na source ng iodine. Ang isang gramo ng iodized salt ay nagbibigay sa katawan ng 77 mcg at 0 calories. Maaaring ito ang gamitin pampalasa ng mga lutuin. Subalit masama rin po ang sobra sa Iodine salt dahil ito ay maaalat na siyang nakakasama naman sa kalusugan kapag sobra.

2. Dried Seaweed o Nori

Ang seaweed o tinatawag ding nori ay isa ding mainam na source ng iodine. Karaniwan itong matatagpuan sa mga Japanese food. Nasa 20 hanggang 2,000 mcg iodine ang taglay ng isang gramong seaweed. Ang iba ay ginagawang snack ang seaweed ngunit importanteng kainin ito ng may moderasyon.

(Image Courtesy: www.google.com)

3. Dairy products

Ang isang tasa ng gatas ay may taglay na 56 mcg ng iodine samantalang ang 25 na gramo ng keso ay mayroong 12 mcg. Ang isang cup ng yogurt ay nagtataglay ng 154 mcg na iodine at 154 calories. Ang gatas ay mayaman din sa ibang minerals gaya ng phosphorus, folate, manganese, magnesium and potassium at mainam na source ng calcium at vitamin D.

4. Patatas

Ang isang buong patatas na may katamtamang laki ay maaaring makuhanan ng 60 microgram ng iodine, ito ang 40% ng daily recommended value. Mayaman ang patatas sa fiber, minerals, potassium at ibang bitamina na kailangan ng katawan.

5. Prutas
Ang mga prutas gaya ng saging at strawberry ay maaaring paging source ng iodine. Hindi lamang energy-booster ang saging, ito din ay nagtataglay ng 13 mcg ng iodine. Ang isang cup naman ng strawberry ay mayroong 13 mcg.

6. Itlog

Mayroong 24 mcg ng iodine ang isang malaking nilagang itloy. Maaari itong ilagay sa salad kasama ng keso para makuha ang mga benepisyo ng iba pang mga sangkap gaya ng gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *