Ito Pala ang Dahilan Kung Bakit Pahirap na ng Pahirap Puksain ang mga Ipis

Isa ang ipis sa mga insektong pinaka-kinaiinisan at minsan ay talaga namang kinakatakutan ng ilan sa atin. Ito ay dahil na rin sa nagdadala sila ng mga bacteria at maari ring mangagat lalo na kapag gutom na gutom ang mga ito. Ayon sa ilang pag-aaral ang parte ng ating katawan na madalas kagatin ng mga ipis ay ang ating mga kuko, mata, kamay at paa. Ang kagat na ito ay maari ngang magdulot ng pamamaga o di kaya naman ay impeksiyon sa ating balat. Salamat nalang at mayroong mga insecticide na naimbento para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang mga bilang.

(Courtesy: www.google.com)

Ngunit bakit nga ba mahirap puksain ang mga ipis kahit na anong insecticide na ang iyong ilagay? Narito ang ilang dahilan kung bakit!



• Kaya nilang mabuhay sa kahit na anong uri ng klima, ito man ay malamig o mainit.
• Kinakain nila ang kahit na anong bagay maliban sa mga pagkaing nabubulok kagaya na lang ng papel, buhok ng tao, maging mga kahoy.
• Kaya nilang pigilan ang kanilang hininga sa loob ng halos 40-minuto at kaya ring mabuhay ng hanggang isang linggo kahit wala na silang ulo!
• Nauna pa di umano silang mabuhay kaysa sa mga dinosaurs
• Kaya nilang makaligtas sa pagsabog ng nuclear

(Courtesy: www.google.com)

Maliban sa mga ito, nagsagawa rin ng eksperimento ang mga sayantipiko ng Purdue University na matatagpuan sa Germany, patungkol sa kakayahan ng mga ipis. Inilagay nila sa isang lugar ang mga German cockroaches at sinubukan nilang magspray ng iba’t ibang insecticides ngunit sa halip na manghina ang mga ito ay tila ba mas lalo pang lumalakas ang kanilang resistensiya hanggang sa hindi na sila tinatablan ng mga kemikal. Maliban dito, naipapasa rin di umano nila sa kanilang mga anak ang nasabing kakayanan!

“Cockroaches developing resistance to multiple classes of insecticides at once will make controlling these pests almost impossible with chemicals alone.” pahayag ni Michael Scharf, pinuno ng mga siyantipikong nagsagawa ng nasabing pag-aaral.

(Courtesy: www.google.com)

Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigi’t kumulang 4,000 species ng mga ipis sa buong mundo at talaga namang nakakabahala ang pagdami ng kanilang populasyon dahil hindi lahat sa mga ito ay napupuksa natin sa pamamagitan ng pagpalo sa kanila o di kaya naman ay sa pamamagitan ng mga kemikal na kagaya ng insecticides.

Ikaw, ano sa palagay mo ang mabisang pamuksa ng mga ipis?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *