Jinkee Pacquiao, Ibinahagi ang Ilang Larawan ng Kanilang Luxury Family Van

Si Jinkee Pacquiao, asawa ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay isa sa mga kilalang personalidad sa ating lipunan na talaga namang kinagigiliwan ng publiko.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao
Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Sa kaniyang Instagram account na mayroong umaabot sa 1.4 milyon followers ay madalas niyang ibahagi ang ilan sa mga ginagawa nila bilang mag-anak pati na rin ang kaniyang pamamasyal sa loob at labas ng bansa. May mga pagkakataon rin na ipinapamalas niya sa publiko ang ilan sa kanilang yaman kagaya na lamang ng mamahaling sasakyan at iba’t ibang mansiyon na naipundar nila sa paglipas ng panahon.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Kamakailan lang nga ay napa-wow na naman ang publiko nang ibahagi ni Jinkee ang ilang larawan ng kanilang magarang family van.

Sa kaniyang Instagram post na mayroong caption na “Saturdate” ay makikitang naka-upo si Jinkee sa loob ng van suot ang magarang damit at sapatos habang katabi ang kaniyang mamahaling ‘Hermes Bag’.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Base sa mga lumabas na balita, ang family van na pagmamay-ari ng pamilyang Pacquiao ay isang kulay itim na Toyota Hi-Ace Super Grandia. Maaliwalas ang loob nito at komportable ang mga upuan na gawa sa leather at ipinasadya pa ang disenyo pati na rin ang kulay nito.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Mayroon ding mga ilaw sa may bubungan na siyang nagdadagdag ng liwanag at kinang sa sasakyan. Samantala, ang mga bintana naman ay laging nakasara para na rin sa kanilang kaligtasan.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Kasama noon ni Jinkee sa pamamasyal sa isang kilalang shopping mall sa Makati ang mga anak na sina Michael, Mary Divine Grace at Queen Elizabeth. Madalas niya itong gawin dahil bilang isang ina ay nais niyang magkaroon parin siya ng oras sa pamamasyal kasama ang mga anak kahit na malalaki na ang mga ito.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa ginawang ito ni Jinkee samantala, hindi naman maiiwasan ang ilan na magbigay ng negatibong komento. Ganoon pa man, nananatiling mapagpakumbaba ang buong mag-anak at patuloy na nagiging inspirasyon sa nakararami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *