Kape o Tsaa: Ano ang Mas Maraming Benepisyo Kapag Ininom?

Marami sa atin ang may ugali kung saan pagkagising sa umaga ay kumukuha na ng tasa at tsaka bubuhusan ng mainit na tubig at ihahalo ang kape o kaya naman ay tsaa. 

Minsan rin ay ipinagsasabay ang kape at tsaa kung masakit ang ulo, pagod o pampagising. Pero alam mo ba kung ano ang pinagkaiba ng dalawa at kung ano nga bang mas may benepisyo pagdating sa kalusugan at ano ang hindi?

Alamin muna natin ang katangian na taglay ng dalawa. Saan nga nanggaling ang Tsaa at anong benepisyo nito?

(Image Courtesy: www.google.com)

Noong sinaunang panahon sa China, may isang emperor na nagpapakulo ng tubig at may dahon na nalaglag mismo sa kanyang pinagpapakuluan at nang kanyang tikman, masarap umano ito at doon nagsimulang ginamit at sumikat ang tsaa sa mga tao. Ang tea ay ang pangalawa sa pinakaginagamit o iniinom sa buong mundo. 

Pinaniniwalaan rin nila na kung iinom ka ng isang basong tsaa maaari kang makaramdam ng ginhawa, peace of mind at spirituality at magandang kalusugan. Hindi lamang iyon dahil napag alaman na nakakatulong din ito upang mapababa ang tyansa na magkaroon ng dementia, alzheimer’s at type 2 diabetes kung ito ay ikokonsumo ng tama.

Saan nanggaling ang kape at ano ang benepisyo nito?

(Image Courtesy: www.google.com)

Ang kape naman ay nagsimula dahil may isang lalaking naging nakaramdam ng energy boost dahil nakatikim daw ito ng berries mula sa puno. Pinaniniwalaan na ang kape ay ang isang source ng antioxidant at nakakatulong mag boost ng energy kung saan mas makakapag focus sa ating ginagawa.

Bukod dito, nakakatulong din ito upang mapababa ang tyansa na magkaroon ng dementia, alzheimer’s at type 2 diabetes kung ito ay ikokonsumo ng tama.

Kahit alinaman sa dalawa ang inyong inumin ay makapagbibigay ng benepisyo sa katawan kung iinumin ito ng tama. Huwag lamang itong pagsabayin na inumin dahil mataas ang caffeine content nito.

(Image Courtesy: www.google.com)

Ano nga ba ang mas mainam na inumin sa umaga at gabi?

Ayon sa iba, mas mainam na uminom ng kape sa umaga pagkagising upang magkaroon ng enery boost sa buong araw. Habang sa gabi naman ay mas mainam ang pag inom ng Tsaa upang mas maganda ang ating pagtulog at marelax ang ating katawan dahil sa soothing effect nito. 

Tandaan lamang na uminom ng kape ng may laman at tyan upang hindi humapdi ang ating sikmura at uminom ng tsaa isang oras bago matulog upang hindi tayo ma-ihi sa kalagitnaan ng ating pagtulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *