Lalaki Nagmagandang Loob Na Bayaran Ang Ipapadalang Papeles Ng Isang Lolo Dahil Kulang Ang Pambayad Nito

May mga tao pa ring mabubuti ang mga kalooban o kung tawagin natin ay mga ‘good samaritan.’ Minsan kahit hindi mo sila kakilala ay sila pa ang tutulong sa iyo sa oras ng kagipitan. Katulad na lamang ng isang di nakilalang lalaking ito na tinulungan ang isang lolo dahil kulang ang perang pambayad nito.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Dhen Dhen ay nasaksihan niya ang pagmamagandang loob ng isang lalaki habang siya ay nasa isang branch ng LBC sa Bukidnon.



Ayon sa kanyang kwento ay mayroon daw isang lolo na naka-blue na lumapit sa counter at sinabi na magpapadala ng mga papeles para sa enrollment ng kanyang apo. Nang tanungin sa babaeng staff kung magkano ang kanyang babayaran ay Php135 daw lahat.

Ngunit kulang ang dalang pera ng matanda. Php50 lamang daw ang pera niya at naglakad pa raw siya papunta doon para may pambayad pa sa pagpapadala.

Noong marinig ni Dhen Dhen ang kanilang pag-uusap ay nagpasya siya na siya na lang ang magbabayad sa kulang ng lolo dahil naawa raw siya rito. At makikita na nag-aalala na raw ang matanda dahil baka hindi nito mapadala ang mga papeles ng kanyang apo at malayo pa ang bahay na uuwian niya para bumalik at manghiram ng pera.

Photo Credits: Dhen Dhen/ Facebook

Naghihintay na lamang daw si Dhen Dhen na tawagin ang kanyang pangalan para sa kanyang claim payment nang may isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt ang lumapit sa counter.

Sabi ng lalakiĀ  sa babaeng staff na siya na lamang daw ang magbabayad sa kulang ng matanda para mapadala lang ang mga ipapadala niyang dokumento.



Di lubos akalain ng matanda na mayroong magmamagandang loob na tumulong sa kanya kaya naman tuwang-tuwa ito.

Labis naman ang pasasalamat ni Dhen Dhen sa lalaking nagbigay ng tulong sa matanda dahil sa pagiging good samaritan nito.

Dumami pa sana ang mga good samaritan at pagpalain pa sila.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *