Lalaking Nagdedeliver, Napaakyat Sa Gate Dahil Hinabol Ng Aso

Iba talaga ang sakripisyong ginagawa ng mga delivery man dahil ang buong buhay nila ang nakasalalay maihatid lamang ang mga packages/ parcels sa kanilang mga cliente. Minsan sinusubok din ang kanilang kalusugan dahil umuulan man o umaaraw ay patuloy pa rin ang kanilang arangkada sa kalsada.

Dahil na rin sa serbisyo ng mga courier companies na ito at sa sipag ng kanilang mga empleyado ay mas napapadali ang pagpapadala at pagtanggap ng mga packages o parcels dahil door to door na ang kanilang pagdedeliver.



Samantala, isang delivery man ng J&T ang napasubo sa isa sa mga bahay na kanyang hinahatiran ng package dahil isang nakawalang aso ang sumalubong sa kanya.

Sa video na kuha ng kasamahan niyang nasa loob ng sasakyan, ang delivery man na nasa labas ng gate ay hinihintay ang kanilang cliente na tatanggap ng kanilang delivery. Ngunit isang matapang na aso rin pala ang nasa labas na pinagtatahulan at nagtangka na habulin siya.

Sa sobrang takot ng delivery man ay napaakyat na lamang siya sa pinakataas na parte ng gate upang matiyak na hindi siya maabot ng aso. Hindi naman siya gumamit ng dahas upang bugawin ang asong humahabol sa kanya.



Matapos niyang makaakyat na sa gate ay lumabas ang may-ari ng bahay na may dala-dalang stick upang bugawin ang aso papalayo at nang makababa na ang delivery man.

Samantala, kahit na sa sobrang takot ng delivery man ay tawang-tawa lamang ang kanyang kasamahang nasa loob ng sasakyan.

Komento ng mga netizens na sana man lang ay tumulong ang kanyang kasamahan imbes na pagtawanan lamang siya dahil hindi biro ang nangyari sa kanya dahil maaari siyang makagat noong aso. Lalo na’t hindi naman nila alam kung ang aso bang iyon ay naturukan ng anti-rabies.

Paalala rin ng ibang mga netizens na sa mga nag-aalaga ng mga aso na itali, ikulong o bantayang mabuti ang kanilang mga alaga dahil delikado na at baka mayroon pa silang makagat na ibang tao. At tiyakin na ang mga ito ay naturukan ng mga anti-rabies.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *