Lalaking Nakapagtapos Sa Pag-aaral, Minamaliit Pa Rin Dahil Sa Pagtitinda Niya Ng Ulam

Minsan kahit ano pa talaga ang naabot mo sa buhay ay hindi talaga mapipigilan ang mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa. Siguradong mayroon at mayroon silang sasabihing hindi maganda sayo.

Nakakalungkot mang isipin ay ganito na talaga yata ang pag-iisip ng mga tao ngayon. Napakaliit na lamang ng tingin sa iyo kung hindi nila nakikita ang nais nilang makita sayo. Pero sa totoo lang, ay hindi dapat nagpapadala basta-basta sa mga taong ganito ang pag-iisip dahil ang mahalaga ay alam mo sa iyong sarili na marangal ang iyong ginagawa at wala kang ibang tinatapakan na tao.



Kwento ng isang netizen na si Andrew Pineda ang ginagawang pangmamaliit sa kanya ng ibang tao kahit na siya ay nakapagtapos naman sa pag-aaral. Aniya sa kanyang post sa Facebook,

“Diba kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work.”

Photo Credits: Andrew Pineda/ Facebook

Ito ang ilan sa mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya ng iba kapag nalalaman nilang hindi siya nagtuturo bilang isang guro dahil nakapagtapos siya sa kursong Education.

Ngunit sagot niya sa mga ito na kahit tindero siya ay napapakita niya rito ang kanyang pagiging edukado. Kwento niya na taga tinda raw sila ng kanyang mama ng almusal at ulam.



“Opo tindero, kami [ng] mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan.”

Dagdag pa niya na hindi dapat kinakahiya ang pagtitinda at lalong lalo na sa hanap buhay ng ating magulang.

Photo Credits: Andrew Pineda/ Facebook

“Iwasan ang mag inarte,dapat maging madiskarte lamang  tayo sa panahon ng kagipitan. Wag tayong magcomplain kung bakit ganito? ganyan? Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay.”

Photo Credits: Andrew Pineda/ Facebook

Sa totoo lang, hindi talaga dapat minamaliit ang mga tao na ang hanap buhay ay pagtitinda dahil ito ay isang marangal na trabaho. Sana ay matigil na ang negatibong mentalidad na ito dahil hanggat wala ka namang ginagawang masama at walang tinatapakang ibang tao ay isa ka pa ring mabuting tao.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *