Limang Magandang Epekto ng Pag-inom ng Tubig na may Pipino

Ang pipino ay nagtataglay ng ilang mga nutrisyon na nakakatulong sa ating kalusugan. Ito ay mayroong antioxidants kung saan ito ay tumutulong upang gamutin ag mapigilan ang ilang mga kondisyon o sak!t. Maraming mga benepisyo ang pipino na kung saan nakakatulong ito upang mapanatiling maganda ang ating mga pangangatawan.

(Courtesy: www.google.com)

Alamin sa mga sumusunod ang ilan sa mga benepisyo ng pag-inom ng tubig na mayroong pipino:

1. Para sa mabahong Hininga

Kung ikaw ay namromroblema dahil sa mabahong hininga, marahil ay kailangan mong gawin ang sumusunod. Maghiwa lamang ng pipino at pagkatapos ay ilagay ito sa iyong bibig ng 30 segundo. Ang pipino ay mayroong antibacterial properties na tiyak makakatulong upang matanggal ang problema mo sa mabahong hininga.

2. Painapanatili kang Hydrated

Ang iyong katawan ay hindi gagana nang maayos nang walang tubig. Karamihan sa mga tao ay dapat maghangad na uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig kada araw. Kinakailangan nating uminom ng tubig kada araw, subalit ang pag-inom lamang ng simpleng tubig ay nakakasawa. Ang paglagay ng pipino sa ating tubig ay nakakatulong upang makadagdag ng konting lasa sa ating inumin, na naghihikayat sa atin na uminom pa ng madami. Ang pipino ay mayroong 95 persyento ng tubig kaya mabisa itong pangpuna sa kakulangan natin sa tubig.

(Courtesy: www.google.com)

3. Nakakatulong sa Pagbawas ng timbang

Kung ikaw ay sumusubok na magpapayat ang pag-inom ng tubig na mayroong pipino ay nakakatulong upang mabawasan ang calories muka sa iyong diyeta. Ang pagpapanatili din na hydrated ay nakakatulong upang ikaw ay mabusog agad. Minsan ang ating katawan ay nalilito sa pagkauhaw at pagkagutom. Pwede mong maramdaman na ikaw ay gutom ngunit ikaw ay nauuhaw lang talaga. 

4.Pinapababa nito ang presyon ng dugo

Ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay ang pagkokonsumk ng masyadong maraming asin (sodium? at masyadong konting potassium sa iyong diyeta. Ang pipino ay magandang pinagkukunan ng potassium. Ang pag-inom ng tubig na mayroong pipino ay nakaktulong sa ating katawan na mapababa ang presyon ng iyong dugo.

(Courtesy: www.google.com)

5. Nakakapagpaganda ng balat

Ang tubig na mayroong pipino ay maaaring makatulong na paginhawain ang iyong balat mula sa loob at labas. Ang mga pipino ay mataas don sa pantothenic acid o vitamin B-5, na ginagamit upang gamutin ang iyong tigyawat. Isang baso ng hiniwang pipino ay halos mayroong 5 persyento noong inirerekomendang daily value of vitamin B-5. Ang pagpapanatiling hydrated ay nakakatulong sa ating katawan na tanggalin ang toxins at panatilihing malusog at maganda ang ating kutis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *