Limang Nakakatulong na Benepisyo ng Luya Para sa Katawan

Maliban sa pampalasa at pabibigay ng mabangong amoy sa pagkain, ito rin ay isa sa maituturing na masustansyang spice sa buong mundo. Naglalaman ito ng nutrisyon at bioactive na compounds na nagbibigay ng benepisyo sa ating katawan at pag-iisip.

Ang iba’t ibang parte ng luya tulad na lamang ng dahon at ugat nito na may kanya-kanya ring benepisyo sa ating kalusugan dahil marami itong uri ng sustansya. Ang dahoon nito ay pwedeng dikdikin at durugin para makuha ang katas at maging pantapal sa ilang kondisyon na nararanasan ng katawan. Ang ugat naman ay ang parte na madalas pinapakulo at magiging salabat o tsaa.

(Courtesy: www.google.com)

Narito ang ilang benepisyo ng luya sa ating katawan:

1. Mabisang Pantunaw

Ang luya ay isang mabisang pantunaw dahil napapabilis nito ang proseso na kung saan aalisin ang mga hindi kinakailangang bagay sa ating tyan. Sa pamamagitan ng pag-inom ng salabat o ang pinakuluang bungang-ugat ng luya, malulunasan na ang hirap sa pagtunaw ng pagkain.

2. Nakakabawas ng Pananakit at Pamamaga ng Katawan

Ang luya ay isang epektibong panghilom ng hindi magandang pakiramdam na parte ng katawan o mga pasa. Hindi man agad naipapakita ang epekto nito ngunit ang paggamit nito araw araw ay nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga. Bukod rito, isang pag-aaral ang nagpakita na ang pagkain ng dalawang gramo ng luya sa diretsong labing isang araw ay nakababawas ng pan@nakit sa kalamnan.

3. Nagpapababa ng Cholesterol

Sa tao man o hayop, makakatulong ang luya para pababain ang LDL cholesterol na nagiging sanhi ng panganib sa puso. May isang pag-aaral na kung saan ginamit ng 45 na indibidwal na may mataas na cholesterol ang 3 grams na ginger powder at nagpakita ito ng pagbaba ng kanilang cholesterol.

4. Pagkawala ng Boses

Sa pamamagitan ng pinakuluang ugat luya o kung tawagin ng nakararami ay salabat ay nakalulunas sa pagkawala ng boses dahil sa taglay nitong sangkap. Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng pagnguya o pagsipsip sa katas ng luya ay mawawala na ang anumang karamdaman ng iyong lalamunan na nagsasanhi ng pagkawala ng iyong boses.

(Courtesy: www.google.com)

5. Pagsusuka

Pinakakain ang luya sa mga taong nakararanas ng pagliliyo o pagsusuka lalo na sa mga buntis. Maari rin nitong maalis ang pakiramdam na nasusuka. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *