Limang Paraan Para Makatulong Mapababa ang Bad Cholesterol sa Katawan

Ang pagtaas sa lebel ng low-density lipoprotein (LDL) o masamang cholesterol sa dugo ay isang delikadong kondisyon na maaaring maglapit sa atin sa mga nakamamatay na sak!t tulad ng stroke at atake sa puso.

Ang masamang cholesterol kasi ay maaaring dumikit sa mga pader ng ugat ng dugo at maipon at magdulot ng pagbabara sa kalaunan. Ang panganib na ito ay mataas sa mga taong mayroong  higit 160 na lebel ng LDL sa dugo.

(Courtesy: www.google.com)

Upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng masamang cholesterol sa ating kalusugan, mahalaga na isabuhay ang mga simpleng paraan ng pagpapababa at pag-iwas dito. 



Narito ang ilang tips na maaari niyong sundin upang makaiwas sa mataas na kolesterol:

1. Umiwas sa mga pagkain na mataba at mayaman sa LDL

Ito ay simple at pangunahing hakbang sa pagpapababa ng LDL o masamang cholesterol sa katawan. Kung nais pababain ang lebel ng LDL sa dugo, bakit pa kakain ng mga pagkain na mayaman dito? Ito ang ilang pagkain na dapat iwasan dahil ito ay

  • matabang karne
  • fastfoods
  • pula ng itlog
  • Fried Food
  • Processed food
  • Cheese

2. Piliin ang mga pagkain na nakakapagpababa ng bad cholesterol

Kabilang ang mga pagkaing mayaman sa fiber, omega-3 oil, at mga mani sa listahan ng mga pagkaing nakakapagpababa ng ng masamang cholesterol sa katawan. Maraming mga prutas at gulay, pati na mga oats at mga beans ang mayaman sa fiber. 

Ang mga isda naman ang pangunahing pinagkukunan ng omega-3 fats, at ang mga mani ay karaniwan na nating nakikita sa mga pamilihan. Ang mga pagkaing ito ay nakatutulong din sa pagpapataas naman ng lebel ng HDL o high-density lipoprotein na mas kilala bilang mabuting cholesterol. Ang mga HDL ay may malaki ring papel sa pagpapababa ng LDL sa katawan kung kaya’t makatutulong ng husto sa kalusugan ng pagpapataas nito.

(Courtesy: www.google.com)

3. Regular na mag-ehersisyo

Ang pagpapababa ng LDL sa katawan ay mas magiging makabuluhan at mabisa kung sasabayan ito ng tama at regular na pag-eehersisyo. Ang simpleng pag-takbo (jogging) sa loob ng isang oras sa bawat araw ay may malaking tulong sa kalusugan. 

(Courtesy: www.google.com)

4. Uminom ng mga supplement na pampababa ng LDL cholesterol

Maaari ding ikonsidera ang pag-inom ng mga supplements na nakakapagpababa ng cholesterol na rekomendado ng mga doktor. Alalahanin lamang na maaaring kailanganin ang reseta ng doktor para dito.

5. Huwag manigarily0

Ang paninigarily0 ay pagsasabutahe sa sariling kalusugan. Pinapababa nito ang lebel ng mahalagang HDL sa katawan na makapagpapataas naman ng husto sa panganib ng pagkakaroon ng malalalang karamdaman sa puso at sa dugo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *