Lola Na Nagtitinda Ng Tinapay Sa Kalye, Kinaawaan Ng Mga Netizens

Sa hirap ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya, maraming mga tao ang naghahanap ng ibang paraan ng pagkakakitaan dahil marami rin ang mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Nakakalungkot lang din isipin na maging ang mga taong may edad na ay patuloy pa rin ang paghahanap buhay para lamang may pangtustos sa pang araw-araw.


Katulad na lamang ng isang lolang ito na naibahagi ng Facebook page na Kami.com.ph na kung saan iniupload ng isang netizen na nagngangalang Edward Fabros, isang delivery rider ang mga larawan ng kaawa-awang matanda na nagtitinda sa kalye.

Photo credits: Kami.com.ph/ Facebook

Imbes na kasi na dapat ay nasa bahay ang mga senior citizens natulad ni nanay dahil sa banta ng virus ay kinakailangan nilang lumabas ng bahay upang maghanap buhay.

Ayon sa netizen, nakakapanghina raw na makita niya ang matanda na nagtitinda sa kalye ng kanyang panindang mga tinapay lalo na pa’t napakainit ng araw.



Aniya,

“Nakakapanghina ng makita ko si Lola sa edad niya nagagawa pa niyang magtinda sa gitna ng pandemya. Lola di ko man po kayo natulungan sa ganitong paraan kahit papano sana po makabawas po sa tinitinda niyo. Kung sakaling mapadaan po kayo sa Petron Gasoline tapat po ng SM SJDM bumili naman po kayo kay Lola PLS!!! nang makauwi na po siya.”

Photo credits: Kami.com.ph/ Facebook

Makikita ang matanda na nakaupo sa tabi ng gasolinahan bitbit ang kanyang timba na may lamang mga tinapay at naghihintay ng mga customer na bumili sa kanya.

Wika ng isang netizen, minsan raw ay nakausap na niya ang matanda at napag-alaman na 76 taong tulang na ito subalit naghahanap buhay pa rin siya. May mga anak raw siya kaso may mga sari-sarili na ring mga pamilya. Matagal na raw siyang nagtitinda.

Photo credits: Kami.com.ph/ Facebook

Saad naman ng isa pang netizen na minsan raw ay nasa Savano Park nagtitinda ang matanda. At masarap raw ang mga paninda nitong tinapay.

Kung sino man ang makakakita o madadaanan si Lola ay sana ay bumili kayo ng kanyang mga paninda para makatulong na rin sa kanya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *