Madalas na Paglagas ng Buhok? Narito ang Limang Safe na Home Remedy na Makakatulong Sainyo

Siguro masasabing lahat ng tao ay takot mawalan ng buhok dahil lahat tayo ay mahal natin ang ating buhok, kaya naman nakakakaba kapag nakikita natin itong unti unting nalalagas lalo na sa tuwing tayo ay magsusuklay.

(Image Courtesy: www.google.com)

Maraming rason kung bakit ito nangyayari, maaaring dahilan ang hindi pagkain ng tama, hindi balanseng lebel ng hormones, o mga  namamanang karamdaman na maaaring maging dahilan ng paglalagas ng buhok. Ang pinakamabuting paraan ay ang pagkonsulta sa iyong doktor kaysa ang paggamit ng mga nakikita lamang sa patalastas sa telebisyon o gumamit ng natural na paraan upang mabalik ang nalagas na buhok. Alamin ang mga ilang natural na paraan upang maibalik natin ang pagtubo ng ating buhok.

(Image Courtesy: www.google.com)

1. Rosemary oil

Ang rosemary oil ay mabisang paraan ng pagpapatubo ng buhok sa paraan ng pagpapabuti ng daloy ng dugo sa ating katawan. Ihalo lamang ang isang kutsarang rosemary oil sa dalawang kutsarang olive oil, imasahe sa iyong anit lalo na sa parteng nakakalbo saka iwan ng magdamag para maging mas epektibo saka liguan kinabukasan.

2. Coconut oil

(Image Courtesy: www.google.com)

Ang kailangan lang gawin ay imasahe sa buhok ang oil. Hindi lamang ito nakakatulong sa pagtubo ng buhok, ito rin ay nakakatulong upang ikaw ay kumalma at nakakabuti sa daloy ng iyong dugo na katulad ng rosemary oil. Isa pa sa mga mabisang paraan na aprubado ng mga nanay natin o mga lola ay ang paggamit ng coconut oil. Ito ay mayaman sa potassium at fatty acids na nakakatulong sa pagtubong muli ng follicles sa iyong buhok. Kumuha lamang ng kaunting coconut oil saka ito painitin.

3. Katas ng Sibuyas

(Image Courtesy: www.google.com)

Dahil sa presensiya ng sulfur sa sibuyas, ito ay nakakapagpabilis ng paghaba ng buhok. Ito rin ay mabilis nakakapagpatubo ng mga bagong follicle sa iyong buhok. Kailangan mo lamang kumuha ng sibuyas, balatan ito at hiwain saka kunin ang katas nito. Ipahid ang katas ng sibuyas sa bahaging naglalagas na buhok, hayaang matuyo at kapag tuyo na ay maaari ng hugasan ang buhok ng maligamgam na tubig. Gawin ito kada isang araw para sa agarang resulta.

4. Coriander paste

(Image Courtesy: www.google.com)

Ang kailangan lamang gawin ay magdikdik ng bagong pitas na coriander upang makagawa ng paste mula rito, at ipahid ang paste sa nakakalbong parte ng anit. Hugasan ang buhok pagkatapos ng 30 minuto. Para sa agarang resulta, gawin ito araw-araw.Isang mabisang pinagkukuhanan ng protina at mga bitamina ang coriander, ngunit ito rin ay epektibong paraan para sa pagpapabilis ng pagpapatubo ng buhok. Ang pagkakaroon nito ng iron ay nakakapagpatubo ng mga bagong follicle sa buhok.

5. Olive oil

(Image Courtesy: www.google.com)

Ang olive oil ay isa sa pinakamagandang solusyon upang mapabilis ang pagtubo ng buhok dahil sa dami ng antioxidants na mayroon ito. Mayroon ding Vitamin E ito na nakakatulong sa pagtubo ng buhok. Kumuha lamang ng olive oil at ihalo ito sa isang kutsaritang honey. Ipahid ito sa parteng nakakalbo dahil sa paglagas ng buhok, pagtapos ng isang oras ay hugasan ang iyong buhok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *