Mag-asawa Nakatagpo Ng Lumang ‘Cable Box’ Na Puno Ng Pera At Alahas Sa Loob

Dream come true na siguro ang makatagpo ng kayamanan o ‘treasure’ sa iyong bakuran. Ngunit kung ikaw ang nakahanap nito aangkinin mo na nga lang ba ito o hahanapin ang tunay na nagmamay-ari?

Ang mag-asawa na sina Matthew Emanuel at Maria na nakatira sa Staten Island sa New York ay nakatagpo ng di inaasahang ‘treasure’ sa kanila lamang bakuran.



Ayon sa mag-asawa ay nagla-landscape sila noon sa kanilang bakuran ng mapansin nila ang isang lumang metal box. Sa katunayan ay matagal na raw nilang nakikita-kita ito doon ngunit hindi nila ito pinapansin dahil sa pagkaka-alam nila ay naglalaman lang naman ito ng mga cable wirings.

Photo Credits: dailymail.co.uk

Noong nag-hire sila ng isang landscaping company upang tanggalin ang mga nakaharang na mga puno sa kanilang bakuran dahil sana papalitan nila ito ng mga kawayan ay sinamang hinukay na rin ang nasabing metal box.

Noong buksan nila ito ay laking gulat nila na naglalaman pala ito ng mga alahas, diamonds, engagement rings, ginto at limpak limpak na pera na nagkakahalagang $52,000 (higit Php2.5 million).



Saad ni Matthew na talaga namang nakakabighani ang kanilang mga natagpuang kayamanan. Ngunit sa loob pa ng box ay mayroong isang maliit na papel na mayroong nakasulat na address na isa sa kanilang mga kapitbahay.

Kaya naman tinunton niya ang address na nakasulat sa papel at tinanong niya ang nakatira doon kung mayroon bang pagkakataon na sila ay nanakawan. At sinabi naman nila na oo.

Photo Credits: dailymail.co.uk

Ayon sa New York City Police Service, kinumpirma nila na mayroon ngang naganap na nakawan sa isa sa mga bahay doon sa kanilang lugar na nangyari pa noong 2011. At ang tanging bagay na ninakaw raw ay ang ‘safe.’

Ayon kay Matthew ay di makapaniwala ang kanyang kapitbahay noong sinabi niya na natagpuan nila ang kanyang mga nawawalang kayamanan.

Photo Credits: dailymail.co.uk

Noong tinanong ng mga reporters kung bakit hindi na lamang itinago ng mag-asawa ang natagpuan nilang mga kayamanan. Napaka-simple at tapat ng kanilang naging sagot,

“It wasn’t even a question. It wasn’t ours. The reward is karma. Good karma.”



Leave a Reply

Your email address will not be published.