Magandang Benepisyo ng Paglagay ng Kapirasong Bawang sa Ilalim ng Unan Bago Matulog

Kilala ang bawang bilang karaniwang sangkap pampalasa sa mga lutuing pagkain. Kaya naman madalas itong laman sa ating kusina kasama ng iba pang mga uri ng sangkap. Kabilang ang bawang sa masustansiyang pagkain na naglalaman ng napakaraming benepisyo na makatutulong sa ating kalusugan. Bukod pa rito, may kakayahan itong mapagaling, maiwasan at makontrol ang ilang uri ng mga sakit tulad na lamang ng kagat ng insekto, tonsilitis, rayuma, altapresyon, k@nser at impeksy0n.

Nahihirapan ka bang matulog? Madalas ka bang makaranas ng insomnia? Maaaring maging dahilan rin ng kalagayan na ito ang maraming isipin sa buhay, paaralan at trabaho. Kaya naman subukan ang magic ng bawang, tiyak na malaki ang maitutulong nito sa iyo.

Ang kakulangan sa pagtulog ay hindi nakabubuti para sa ating kalusugan. Sa paggawa sa pamamaraang ito matutulungan kang makatulog ng maayos at makakabuti pa sa kalusugan ng ating pangangatawan.

(Courtesy: www.google.com)

Bukod sa mga kakayahan nitong magamot ang ilang uri ng sak!t, isa din itong mabisang lunas para sa insomia. May nilalaman ang bawang na protina, bitamina at minerals. Gayunpaman, ang taglay nitong allicin ay siyang naghahatid ng amoy na kung saan napakaganda para sa gamot ng infecti0n at bakterya. Idagdag pa ang nilalaman na antioxidants at anti-inflammatory nito na may kakayahang mapahusay ang sistema ng katawan.

Sa mga nilalaman nito at kakayahan, alamin ang benepisyong makukuha mula sa paglagay ng bawang sa ilalim ng ating unan:

Sabi nila ang paglagay ng bawang sa ilalim ng iyong unan ay isang lumang katutubong lunas. Ngunit, alam mo ba na ang gawaing ito ay lubos na makatutulong sa iyo. Hindi lamang sa iyong pagtulog kung hindi pati na rin sa kalusugan ng iyong pangangatawan. Sundin ang gawaing ito.

(Courtesy: www.google.com)

1. Bago pumunta sa inyong higaan. Kumuha ng isang butil ng bawang sa inyong kusina. 

2. Dikdikin ito upang lumabas ang katas at mas lumakas ang amoy na taglay nito. 

3. Alisin ang balat ng bawang. Ibalot sa isang tela nang sa gayon hindi magmantsa sa iyong higaan. 

4. Ilagay sa ilalim ng inyong unan upang makuha ang benepisyong nilalaman nito. 5. Humiga at matulog na sa tamang posisyon nang sa gayon ang problemang hindi pagkatulog ay malunasan na ng magic na bawang.

(Courtesy: www.google.com)

Maaari rin isabay ang inuming ito:

1. Ihanda ang mga kakailanganing sangkap na isang tasang gatas, isang butil ng bawang at isang kutsarang honey.

2. Paghaluin ang gatas at ang bawang. Pakuluan ito ng dalawa hanggang tatlong minuto.

3. Isalin ang pinaghalong gatas at bawang sa isang tasa o baso. Hayaan itong lumamig ng lima hanggang sampung minuto. 

4. Makalipas ang ilang minuto, tanggalin ang bawang. Idagdag ang isang kutsarang honey. Halu-haluin ito upang magsama-sama ang mga sangkap.

5. Inumin ng tatlumpung minuto bago matulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *