Maglagay ng Isang Mangkok ng Sibuyas Malapit sa Inyong Higaan Dahil sa Benepisyo na Ito

Napakalaki ng importansiya ng prutas at gulay sa ating kalusugan. Dahil sa mga nilalaman ng mga ito napapanatili nating malusog ang ating pangangatawan. May mga iba’t ibang benepisyo ang kanilang taglay na makapagpapagaling sa mga karamdaman. Hindi lahat ng klase ng prutas at gulay ay nagtataglay ng masarap na lasa at amoy. Ngunit sa kabuuan ay may napakagandang hatid naman sa kalusugan na tulad na lamang ng sibuyas.

Ang sibuyas ay karaniwan nating nakikita sa ating kusina. Madalas itong gamitin na sangkap pampalasa sa mga lutuin. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa halamang gulay na ito, na sa tuwing binabalatan natin ay pinapaiyak tayo. Bukod pa rito may kakayahan itong mapabuti ang kalagayan ng ating pangangatawan.

(Courtesy: www.google.com)

Sa panahon ngayon na pabago-bago ang klima, kadalasang nararanasan ang sak!t na trangkaso. Kung isa ka sa mga nakakaranas ng sipon, upo at lagnat ay napakagandang sagot para diyan ang sibuyas nang sagayon guminhawa ang iyong pakiramdam. Ayon na rin sa mga eksperto mainam ang sibuyas para sa kalusugan ng ating puso. Ang amoy na nilalaman nito ay may sangkap na hydrogen sulphide, kilala bilang positibong epekto para sa maaayos na pagdaloy ng ating dugo.

(Courtesy: www.google.com)

Idagdag pa ang nilalaman nitong antioxidants na kung saan napakaimportante pagdating sa pagpapanatili ng maayos na katawan at malakas na sistema. 

Kaya naman narito ang tips kung paano makatutulong ang sibuyas sayo upang guminhawa ang iyong pakiramdam sa nararanasang sipon, ubo, at lagnat. Bukod sa natural remedy ito, pasok pa sa inyong bulsa ang gawaing ito at hindi pa nakakasama sa kalusugan bagkus matutulungan pang mapabuti ang kalagayan.

(Courtesy: www.google.com)

1. Kung nahihirapan na sa inyong ubo at gustong guminhawa ay pumunta na kaaagad sa inyong kusina. Maghanap ng dalawa hanggang tatlong piraso ng sibuyas na katamtaman ang laki.

2. Balatan ang mga ito at hatiin sa dalawa o apat. Ilagay ang mga nahiwang sibuyas sa inyong inihandang mangkok.

3. Dahan-dahang buhusan ng mainit na tubig ang inyong lalagyanang mangkok. Huwag hayaang mapailalim ang lahat ng sibuyas.

4. Ipatong ito sa inyong lamesa malapit sa inyong higaan. Sa gilid man ito o sa ilalim ng inyong higaan.

5. Pumuwesto na sa iyong higaan at matulog na. Nang sa gayon ang benepisyong taglay ng sibuyas ay makuha na. Maaaring ang iyong kwarto ay humalimuyak ang amoy ng sibuyas. Ngunit napakaganda naman nito dahil sa pagkagising mo ng umaga ay mapagiginhawa nito ang iyong pakiramdam sa nararanasang ubo o trangkaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *