Matapat Na Parking Boy, Mas Piniling Ibalik Ang Wallet Na May Lamang Pera At Credit Card Sa May-Ari

Kapag ang usapan ay pera, bibihira na lamang ang mga taong matatapat ngayon. Minsan kasi, dahil sa hirap ng buhay ay marami ang natutukso at nasisilaw sa pera. Pero mayroon pa rin namang mga tao na mas pinipili nila ang gumawa ng mabuti.

Katulad na lamang ng isang parking boy na ito na talaga namang kahanga-hanga ang kanyang pagiging matapat kahit na siya mismo ay hirap sa buhay.



Ibinahagi ng netizen na si Charlon Ignacio na nagpunta siya sa Markina Bayan BPI upang magwithdraw ng pera. Ngunit noong makauwi siya sa kanila ay napansin niya na nawawala ang kanyang pitaka.

Photo Credits: Charlon Ignacio/ Facebook

Ang naisip niya ay baka nalaglag niya ito sa may parking area kung saan siya nagwithdraw. Sa pagbabakasakaling makikita niya pa ito doon kaya siya muling bumalik. Pero ang masaklap ay hindi niya ito nakita.

Nagtanong siya sa mga crew ng isang convenience store na malapit doon kung mayroon ba silang CCTV. At noong nakilala siya ay sinabi ng isang crew na mayroong isang barker/ parking attendant na nakapulot ng kanyang wallet. Hinanap siya kasama ng isa pang lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nakaalis na siya noon.



Binigyan siya ng crew ng isang maliit na papel na may nakasulat na pangalan at contact number. Ang sabi sa kanya na nagpunta ang dalawang lalaki sa malapit na police station upang doon ibigay ang napulot na pitaka.

Noong nagpunta si Ignacio sa police station ay ibinalik sa kanya ang kanyang pitaka. Tinawagan niya ang contact number na nakasulat sa ibinigay na papel sa kanya at nakilala niya ang matapat na lalaking nakapulot ng kanyang wallet bilang si Jheonathan Romasanta, isang parking attendant sa Ministop.

Photo Credits: Charlon Ignacio/ Facebook

Laking lansangan, walang trabaho at mayroon pang karamandan ngunit mas pinili pa rin niyang ibalik ang wallet na may lamang pera sa tamang may-ari nito. Ni hindi man pumasok sa kanyang isip na angkinin na lamang ang wallet para ipangbili niya ng pagkain o gamot.

Samantala, nagpasalamat din si Ignacio sa lalaking tumulong na si Emmanuel Villegas na sumama kay Jheonathan sa police station upang maisurender doon ang pitaka. Dahil sa nakita niyang katapatan ng parking attendant ay ibinili ni Villegas ito ng pagkain at inoferan pa ng trabaho.

Sa panahon natin ngayon, mayroon pa rin naman talagang natitirang mga mabuting samaritano.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *