Nakakaantig Ng Puso Ang Sulat Ng Isang Estudyante Dahil Hindi Makabili Ng Krayola

Libre man ang pag-aaral sa mga pambulikong paaralan, sa kasamang palad hindi lahat ng bata na naka-enroll sa eskwela ay may pambili ng mga bagong gamit at school supplies tulad na lamang ng papel, notebook, lapis at krayola. Ito ang nakaka-awang sitwasyon ng ilan sa mga mag-aaral.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang Facebook post ng isang guro na nakilala bilang si Teacher Velcher Castillo. Ibinahagi kasi niya ang maiksi ngunit nakakahabag damdaming sulat ng isa sa kanyang estudyante.


Sa module na ibinigay sa mga estudyante ay kailangan kasi nilang kulayan ang kanilang iginuhit. Ngunit dahil walang pambili ng krayola ang bata ay nilagyan na lamang niya ng label isa-isa kung ano ang dapat na kulay na dapat ay sana ay kanyang kukulayan.

Sa bandang ibaba ay nag-iwan ng mensahe ang estudyante sa kanyang guro at sinabing,

“Sir wala po akong pambili ng krayola. Sorry po.”

Photo Credits: Velcher Castillo/ Facebook

 

Dahil dito ay napukaw ang atensyon ni Castillo, kaya naman nag-iwan rin siya ng mensahe sa kanyang estudyante at binigyan niya ito ng krayola upang sa susunod na mga activities ay may magamit na ito. Narito ang kanyang naging mensahe sa bata,

“Don’t be sorry, nak. I understand you. Here’s a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe.”


Dagdag pa niya,

“Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap. Kapit lang. Laban lang. Tuloy lang. Magkikita kita muli tayo. Know that your efforts are valid and appreciated. Kahit na at kahit pa.”

Sobrang nakakantig ng puso ang pang-unawa ng guro sa kanyang mga estudyanteng determinadong makapag-aral ngunit kapos sa pera at hindi makabili ng mga kagamitang pang-eskwela. Labis niya itong nauunawaan at naiintindihan.

Photo Credits: Velcher Castillo/ Facebook

Hinangaan ng guro ang bata dahil kahit na kapos ito sa mga kagamitang pang-eskwela ay sinikap pa rin nitong matapos ang gawain sa ibinigay na module sa kanila. Samantala, hinangaan rin naman ng mga netizens ang mabait na guro dahil sa pang-unawa nito at malasakit sa kanyang mga estudyante.

Salute to you Sir at God bless na rin sa estudyanteng ito na kahit kulang sa kagamitan ay maparaan!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *