Nakakaawang Kamote Vendor Patuloy Pa Ring Magtinda Kahit Basang-Basa Na Siya Sa Ulan

Isang kahig, isang tuka. Yan ang mapait na kalagayan ng iba nating mga kababayan. Sinusugal nila ang kanilang kalusugan, minsan ang kanilang buhay para lamang makapaghanap buhay at kumita ng pera para lang may pantustos sa araw-araw.

Katulad na lamang ng isang kamote vendor na ito na ibinahagi ng netizen sa pamamagitan ng isang Facebook post. Kwento ng netizen na si Cindz Mallari-Rodriguez na nakita niya ang isang mamang tindero na basang-basa na sa ulan ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagtitinda.



Aniya sa kanyang post,

“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along Libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin siya. Nanginginig na po kasi siya at basang basa.”

Photo Credits: Cindz Mallari-Rodriguez/ Facebook

Dagdag pa niya na alam daw niyang hindi pa sapat ang pinabili niya sa kanyang papa. Hindi na rin daw nila kinuha ang sukli bilang tulong na rin sa tindero para makauwi na rin sana ito. Kaya naman nananawagan siya sa ibang mga netizens na kung makakadaan man sila sa pwesto ng kamote vendor ay bumili sana sila sa kanya.

Komento ng isang netizen na si Danilyn Divina,

“Lagi po siya diyan banda minsan sa palengke ng Libertad pag maaga pa. Iba iba din yung tinitinda niya. Minsan bawang or sibuyas. Pag nakikita ko inaabutan ko pero di naman yung sapat. I hope madami pa makapansin and madami pa maka help kay tatay.”



Dagdag ng isa pang netizen na hinihingi lang din daw ng tindero ang kanyang mga kamote para mabenta ito at may pangkain araw-araw.

Photo Credits: Cindz Mallari-Rodriguez/ Facebook

Samantala, ang mga netizens naman na nakakita sa nasabing post ay tinag ang mga malalaking programa tulad ng Raffy Tulfo in Action, Kapuso Mo Jessica Soho, The Hungry Syrian Wanderer at Wish Ko Lang.

Hiling ng karamihan na sana ay mapansin ng mga malalaking programang ito ang kawawang kalagayan ng kamote vendor at nawa’y matulungan pa siya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *